Forty Three

39.5K 884 240
                                    

I just pretended that I was asleep that night. Hindi ko siya kayang makitang nahihirapan. Ayokong marinig ang nahihirapang boses niya. Naramdaman ko nalang na pumasok siya sa kwarto, nagshower siya pagkatapos ay yumakap na mula sa likuran ko.

Oo, tinapangan ko para kay Kai. I wanted to fight for him at ipaglalaban ko siya hanggang sa huli. Pero paano naman siya? It struck me that, staying with him means chaos. Ang mama niya, hindi papayag at tututol pero hanggang saan ito? Hanggang mawala nga ba talaga lahat kay Kai? Did she mean what she have said?

Sabagay, mangyayari ba ngayon ito kay Kai kung hindi desidido si Tita Linda sa sinabi niya! Pero ayokong sumuko, I wanted to be selfish just for once, para makasama ang taong mahal ko! Kaya naman ito! Kakayanin! Mahal ko si Kai at hindi ang pagpapahirap ni Tita Linda ang makakapaghiwalay sa'min!

But days before our supposedly wedding, the situation got worse. Gabing-gabi lagi umuwi si Kai, palaging may kausap sa phone na parang nakikipagtalo. Sa t'wing tatanungin ko siya ay umiiwas siya pero ramdam kong... malaki ang problema niya sa kompanya nila.

Tonight, I was really got pissed. Gusto kong sabihin niya sa'kin ang totoo kaysa iwasan niya ako.

It's already 12 midnight, nagtatalo pa kami, nagising kasi ako nang makauwi siya, may kausap sa phone at nakikipagtalo tapos no'ng tinanong ko, wala daw problema! Sinong niloko niya!

"Sabihin mo sa'kin kung anong problema mo! Hindi 'yong umiiwas ka palagi!" Inis na sinabi ko.

Nakasunod ako sa kanya habang papasok kami sa kwarto, nakasuot siya ng puting loongsleeve at itim na slacks, unti-unti niyang tinatanggal ang butones ng kanyang loongsleeve para na siguro makapagshower.

Alam ko, dapat hindi ako dumagdag pa sa problema niya, pagod siya ngayon at kailangan ng pahinga pero hindi naman pwedeng para akong tangang huhulaan ang probelma niya! Siya na rin ang nagsabi na laban namin itong dalawa.

"Skye.. Magpahinga ka na, magsho-shower lang ako," tinalikuran niya ako at pumasok na sa bathroom.

Hindi ako natulog kaya kahit isang oras ang tinagal niya sa bathroom ay gising pa din ako ng makalabas siya. Nagulat pa siya ng makita akong nakaupo sa edge ng kama. He looked so so tired.

Tumayo ako at nilapitan siya. I know he needed this. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kalmado lang ang paghinga niya.

I glance up at him, staring at his face, my eyes demands an answer.

"Nagkakaproblema ka ba sa kompanya niyo?" I asked worriedly, naging mas mahinahon nalang ako.

He shut his eyes, clenching his jaw tightly. I know, ayaw niyang sabihin but I deserve to know, partner niya ako. His problems are my problems too now.

"Simpleng problema lang.." tipid na sagot niya ng magmulat.

"Gaano ka-simple?" Tanong ko pa.

His hand on my waist tightened. He kissed my temple. Pakiramdam ko'y hindi niya na naman sasabihin!

"M-may mga naipasara lang na branch, 'yon lang Love, nagagawan ko naman ng paraan," He finally tells.

May naipasara? Paano? Ni Tita Linda? May kinalaman ba siya dito?

"Paano nangyari?" Kuryosong tanong ko.

Hinila ako ni Kai pahiga sa kama. Inayos niya ako sa kama at isiniksik sa dibdib niya.

"You shouldn't worry about that. Matulog ka na alas dose na,"

Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita ko ang antok na antok na itsura niya. Naawa naman ako sa kanya kaya hinayaan ko nalang.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon