Fifteen

46.7K 1.4K 911
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, nakahiga ako sa kama habang tulala, iniisip ang nadatnan kong scene sa kitchen. I felt betrayed by Kai. To think na umamin siya sa'kin but in the end magkahawak ang kamay nila ni Belinda. Wala pa siyang saplot pang itaas. What does that mean? May nangyari nga? Ayoko namang magjump to conclusion pero 'don nauuwi ang iniisip ko. Ilang beses na akong umiiling para kalmahin ang sarili ko sa mga naiisip.

May history siya sa mga babae kaya hindi maiiwasang pagdudahan na may nangyari nga sa kanila ni Belinda after all he's just a man who has needs. Maganda naman si Belinda. Matured ang katawan, long legged, morena beauty, may kalakihan ang boobs!

I let out a heavy breath for the third time. Dumapa ako sa kama, ayoko ng ganitong isipin. Sumasakit ang ulo ko, pati puso ko. I mean, hindi ko naman siya gusto, nakakadissapoint lang na ang bilis niyang magbigay atensyon sa ibang babae ngayong kaka-confessed niya lang sakin. Siguro nga, he didn't mean it kaya din ayaw kong agad na maniwala sa kanya.

Biruin mo kasi, in just five days na magkasama kami nagkagusto na siya kaagad sa'kin? That's absurd! Ano, na-love at first sight lang?

Dinner time, bumaba ako. Wala akong nadatnang tao sa kitchen, ayoko rin naman siyang makita. Baka nasa kwarto sila ni Belinda?

Kumain nalang ako ng tahimik. Bahala sila, I will mind my own business here as his fucking substitute secretary. After one month, mag-gu-goodbye na naman kami sa isa't-isa, eh.

Naging tense ako nang makarinig ng footsteps pababa. Nakayuko ako at sa pagkain lang ang atensyon nang makapasok si Kai sa dining area kung saan ako kumakain. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko. Where's Belinda kaya? Nasa kwarto niya parin ba o nakauwi na?

Hindi ko nalang siya pinansin, hindi rin naman siya nagsalita. Sa tingin ko'y kumuha siya ng tubig at uminom. Magaling na kaya siya mula sa sakit?

"Kasama mo si Eddie kanina?" Narinig ko ang malamig na boses niya.

Bakit niya tinatanong? Sila rin naman ni Belinda magkasama dito ah but I didn't bother to ask or disturb them. Kahit nakarating kanina'y hindi ko sila pinakielamanan.

"Belinda told me," he continue in a very cold tone now.

Halos mapataray ako sa pagkakarinig sa pangalan ni Belinda. O, sinabi na pala sa kanya, e, bakit pa siya nagtatanong ngayon?

"Sinabi niya naman na pala ba't mo pa 'ko tinatanong?" I said full of sarcasm.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ng hindi siya tinitingnan.

"Magkasama nga kayo?" He asked a bit annoyed.

Napabuntong hininga ako at napatango nalang dahil baka hindi siya matahimik d'yan.

"Oo, bakit? May problema ba do'n?" Matapang kong tanong.

Hindi ko parin siya nililingon.

"Kung mas masaya ka namang kasama siya, may magagawa ba 'ko?"

Tumaas ang kilay ko. Bakit tunog sad boy siya? Siya nga dyan mukhang enjoy na enjoy kasama si Belinda eh!

"How about you? Mukhang masaya ka kasama ang kababata mo dito ah? Nasa'n na siya? Umuwi na ba?"

Binalingan ko na siya, nasalubong ko ang malamig na titig niya sa'kin. I just gave him my bored look. 

"She's just concern about my health, dinalhan niya lang ako ng prutas at gamot at oo nakauwi na siya,"

Tumayo ako at nawalan na ng gana sa pagkain, diniretso ko na sa sink ang pinagkainan. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagsunod niya ng tingin sa'kin.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon