Forty Five

43.6K 1K 630
                                    

I was sobbing uncontrollably inside the elevator. Ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagtulo. My heart was so heavy, It was so painful as if someone had stabbed a knife into my heart. I don't know if I could face him again after seeing him in pain.

Nang magbukas ang elevator nang nasa tamang palapag na sa aming opisina, una kong nakita si Arnaldo, nag-aantay sa pagbukas nito, mukhang bababa. He gave me a worried looked.

Hindi ko siya pinansin, inayos ko ang sarili, nagpunas ako nang luha at tsaka lumabas na ng elevator at nilagpasan siya.

"You okay?" He asked.

Hindi ko na 'yon pinansin, ang tanging nasa isip ko lang ay mapag-isa. Dumiretso na ako sa opisina at nagsimula nalang magtrabaho ng tahimik. Hindi na ako nasundan pa ni Kai, sana lang ay natauhan na siya. Sana ay hindi niya na ako habulin, I'm hoping that my reasons were enough for him to finally realize that were done.

Lunch time, wala akong gana kaya 12:30 PM na ako nakakain. Kung hindi pa nagpaalala si Sir Tristan ay hindi ko pa pipiliting kumain. Ang hirap kumilos kapag parang lantang gulay at wala kang gana.

"Next week birthday ni Philip. Dito lang daw sa opisina ang celebration kaya huwag kang aabsent babaita ah," paalala ni Dwight bago ako bumaba nang mag-alas singko na.

"Sige," tipid na sagot ko. Matapos kong kunin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng opisina.

Pagkabukas ng elevator ay siyang pagbalandra ni Kai sa harapan ko. He was looking desperately at me.

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "Uwi na tayo Love, I missed you,"

I glance up at him, emotionless. "Huwag mo na 'kong tawagin n'yan. Tapos na tayo. Hindi na ako babalik,"

Pumasok ako sa elevator, ganoon din siya. Ramdam ko ang pagpapanick niya nang lumayo ako sa kanya.

"I'll do everything I can to get you back so we can be together again. I want you back Skye. I promise I'll do better. Yung tungkol sa pamilya ko? Pwede namang hindi na natin kunin ang opinyon nila tungkol sa'tin, hindi naman mahalaga pa 'yon—"

I breath heavily. "Huwag mo nang pilitin ang taong sumuko na, please? Nakakatawa lang kasi, pinagpipilitan mo pa ang sarili mo—"

"Because I love you so damn much!—"

"Anong magagawa ng pagmamahal na 'yan kung gusto ko nang sumuko? Tapos na tayo! Ano pang hindi mo maintindihan doon?!" I shouted at his face.

I saw how anger consume him but was gone in an instant. Mukha ulit siyang nagmamakaawa, desperado.

"May kinalaman ba si Mama? Nakialam ba ulit siya?"

I rolled my eyes. "Wala akong pakialam sa iniisip mo. I'm done! Huwag mo nang pilitin ang taong napagod na!"

"Sabihin mo sa'king hindi mo na 'ko mahal! Let's see how good of an actress you are!" He growled.

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung kaya kong pekein pati 'yon sa kanya.

"Oh ano?" Ramdam ko ang inis sa tono niya.

Hindi ulit ako nakasagot. Bumukas ang elevator at dali dali akong lumabas.

"Hindi ka makasagot kasi mahal mo pa ako! Nagpapanggap ka lang na napagod para tigilan na kita! Sabihin mo may kinalaman ba dito si Mama?! Tinakot ka ba—"

Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa makarating kami sa parking lot at no'ng pasakay na ako sa sasakyan ay hinila niya ang braso ko para maharap ko siya.

His eyes were desperate for a response. "Kausapin mo 'ko!" He demanded.

Kitang kita ko na ang galit sa mga mata niya, nagtatanong, naghahanap ng sagot.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon