Forty Nine

53.1K 1.2K 833
                                    

"You should tour me with the house," aniya nang mabilis akong lumayo sa kanya habang nakangisi na siya ngayon.

I stand up straighter and composed myself. Sobra ang kaba ko sa pagkakatalisod lalo na no'ng mahawakan niya ako at marinig ang boses niya sa malapitan. I can't lie to myself, I'm really still into him, I'm still inlove with him, konting kibot niya, konting ngisi, simpleng titig, ang lakas ng epekto sa'kin, this dumbass heart! Ilang taon na nga ang lumipas, three years na at heto ako, mahal na mahal pa rin siya. But there's nothing I can do about my feelings, hindi pa rin kami pwede, being with him just felt so wrong.

At isa pa, hindi ko makakalimutang may babe na siya.

Walang lingon-lingon akong nagdire-diretso paloob sa bahay. Nadaanan namin ang garden.

"Malamang. Kaya nga tayo nandito para doon. Oh, heto 'yong garden namin, sa tamang lawak lang. 'Yong mga halaman ni Mommy dito will stay here. If ever bilhin mo 'tong bahay, ikaw na bahalang mangalaga sa mga halaman," I said casually, trying to calm my inner self.

"My future wife will take care of it," he replied in a low and husky tone.

Natigil ako at naestatwa sa narinig. Future wife. A slight pain in my chest bothered me, I force myself to ignore what he said and not let it effect my purpose here. Napabuga ako ng malalim na buntong hininga bago nagdiretso sa loob ng bahay. Sumalubong sa'min si Kuya Toby na kasama ni manang na mangalaga dito sa bahay habang wala pang nakakabili.

Ramdam ko pa rin ang presensya ni Kai sa likuran ko.

"Uhm, wala namang espesyal dito. This wasn't that huge but has a lot of empty spaces, kitchen and living room are connected to each other. Gano'n din sa taas, ang terrace ay konektado lang din sa bawat kwarto, so..."

I released a sharp breath before turning to him and gave him a casual stare.

"Bibilhin mo na ba?" I asked, raising an eyebrow. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang bilhin itong bahay eh wala namang espesyal dito.

Simpleng bahay lang 'to kung saan kami lumaki. May sapat na espasyo na kumpara sa mansyon nila na sobrang laki at malawak, walang-wala itong bahay.

His brow shot up too.

"Why are you rushing? Hindi ba pwedeng ilibot mo muna ako sa itaas?" He said, his lips curled upward a little.

Umiwas kaagad ako ng tingin dahil ang titig niya ay parang nananant'ya. Akala niya siguro hindi ko kayang mapag-isa kasama siya sa mga kwarto sa taas!

"Sure! Tara sa taas! Doon tayo sa kwarto!" Mapanghamon kong sinabi.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kai.

"I love that.. I want to see the rooms too.." he responded.

Hindi ko na 'yon pinansin pa at nagdire-diretso sa itaas. Unang madadaanan ang kwarto nila Mommy at Daddy, ang masters bedroom, kahit kabado ay nagawa kong buksan 'yon at pumasok sa loob.

Wala nang kahit anong gamit, chandelier at king size bed nalang ang nando'n.

"Ito 'yong masters bedroom," sabi ko.

Nakapamulsa na pumasok si Kai sa loob ng kwarto. Ang laki nitong kwarto pero nang pumasok siya ay naging masikip para sa amin. His eyes traveled inside the room, akala mo talaga may espesyal siyang hinahanap sa kwarto.

"My future wife will surely like this.." he murmured.

I bit my lower lip. Naiinis na sa naririnig. Oo na, siya na ang may future wife! Siguro 'yon yung babe niya na tumawag sa kanya sa bar!

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon