Forty Two

40.2K 935 362
                                    

I was crying so hard inside his car, crying a river of tears. Wala pa rin siya, hindi pa rin siya nakakabalik. Sobra akong nag-aalala kung ano nang nangyayari. Kaya nagdesisyon na akong lumabas, nanginginig sa takot, kaba.

Then I saw him. It does not ease my mind when he make his way towards me looking so stress, mad and problematic.

Nang makalapit siya sa harapan ko, I took a step forward, pressing my palms into his face. I examined his face well, walang galos, walang dugo, nakahinga ako ng maluwag. He stare as though he had felt sorry for me.

I shut my eyes, I want to ask, anong ginawa niya?

"Anong nangyari?" My voice cracked.

Nang magmulat ako, I saw him looking at me close to tears.

"Let's get out of here. Aalis tayo at hindi na baalik dito," namamaos na sinabi niya.

I nodded. I understand him, naiintindihan ko kung saan 'yon nanggagaling.

"Okay. I'm sorry Love, hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol doon, ayoko lang na mag-away kayo ng mama mo at-" I was quickly cut off.

"You hide it from me since when?" Hindi ko maintindihan ang tono niya.

"I'm sorry. Ayoko lang din na aalalahanin mo pa ako-"

"Bakit hindi? Fiancée kita. Sana hindi mo naranasan 'yon kung sinabi mo kaagad sa'kin na pinagmamalupitan ka na pala. Kaya pala palagi kang pagod? Is that it-"

"Dahil ako na 'to Kai. This is all about me now. Kung paano kita ipaglalaban sa kanya. Kung paano ko papatunayan ang sarili ko. Ginawa ko lahat. Ginawa ko naman-" I sniffles between words.

"Kaya nagpakaalila ka sa kanya? Ganoon ba? Alam mo ba na kahit gawin mo 'yon ay hindi ka parin niya matatanggap?"

My lips parted in shocked. Alam ko naman 'yon pero bakit mas masakit no'ng siya ang nagsabi, no'ng sa kanya nanggaling. Pero kahit gano'n, may kaonting pag-asa parin sa'kin eh, na makakaya ng mama niyang tanggapin din ako ng buong puso pero sa sinabi niya, parang tinuldukan niya na.

Pumikit siya at nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Skye," he calls when he open his eyes. Ayoko siyang tingnan, masyadong masakit. "Kilala ko si mama. She's ruthless. Hindi siya papayag na hindi ang gusto niya ang masusunod." He explains. "Kaya hindi lang dapat ikaw ang lumalaban para sa'tin. Hindi mo laban 'tong mag-isa. Nandito ako. Ako nga ang dapat gumawa no'n sa'yo,"

Hinawakan niya ang isang pisngi ko para matingnan ko siya. "I'll fight like hell for you," he said.

Looking at him, I saw how sincere he is.

"I'm sorry sa mga nagawa ni mama. Ako ang humihingi ng paumanhin. Hindi sana 'yon nangyari. Hindi mo sana 'yon naranasan sa kanya. You don't deserve to be treated that way. Kahit sinong tao, hindi deserve ang ganoong trato,"

Lalo akong naiyak. Lalo na nang magsorry siya.

Bumaba ang tingin ko sa bandang kamay niya at nakita ang kaonting dugo doon, kaagad ako na nagpanick!

"A-anong nangyari sa kamay mo?!" I asked worriedly.

Umiwas siya ng tingin sa'kin.

"Wala 'to. Alis na tayo dito. We shouldn't be here,"

Nang gabing 'yon ay ginamot ko ang sugat ni Kai. Mabuti naman at gasgas lang na dumugo. Hindi niya sinabi kung bakit siya may gasgas sa kamao niya, hindi na rin ako nag-abala pa na tanungin 'yon.

Okay kaming dalawa. Okay pa.

"Hindi ka na niya guguluhin. Kinausap ko na si mama,"

Nakayakap ako sa katawan ni Kai, parehas na kaming nagpapahinga. Sa mga nagdaang gabi, kampante at sigurado pa kami. Pero ngayon, may pangamba na kahit na mukhang matutuldukan na naman ang pang-aalila sa'kin ng mama niya.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon