Ten

50.8K 1.4K 1.3K
                                    

Madilim ang mga titig sa'kin ni Kai, para bang galit na galit siya at ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Pinilit kong hindi pansinin ang mga kakaibang kinilos niya.

Nagkayayaan ng kumain at tinabihan ako ni Eddie, si Kai naman ay kausap nila Duke at Landon pero ang mata niya'y nakatuon sa'min.

"Okay lang ba kayo ni Kai?"

Binalingan ko si Eddie na nakatingin sa'kin. Nahalata siguro nila na parang nag-aaway kami ni Kai kanina.

"Oo naman, kain nalang tayo!"

Pinagpatuloy namin ang pagkain ng may kaonting asaran dahil magkatabi kami ni Eddie.

"Type ka talaga niyan Natasha!" Si Annette habang malaki ang ngisi kay Eddie.

Natawa ako at binalingan si Eddie na napapakamot nalang sa kanyang batok. Nahihiya rin siguro siya sa tukso ng kaibigan, gano'n din naman ako. Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, may dapat ba akong isagot tungkol doon?

"Naku, bukambibig ka mula pa nung isang araw! Excited pang magswimming dahil inimbita ka daw niya!" Si Roberta.

Napayuko nalang ako.

"Kayo talaga magsikain na nga lang kayo," si Eddie sa mahinang boses.

Binalingan niya ako.

"Tubig Natasha?"

"Huh?"

"Tingnan mo na, alang-alaga oh!" Si Annette.

Hindi pa ako nakakasagot sa gulat ay kinuhaan na ako ng tubig ni Eddie at inilagay sa tabi ko.

"Para pag mauhaw ka," sabi niya ng mapatitig ako sa inumin.

"Salamat,"

Nang mahagip ng paningin ko si Kai ay nakakunot ang noo niya. His gaze was transfixed at us. I don't understand kung bakit kanina pa mariin ang titig niya kaya inignora ko nalang ito.

Natapos kumain ay balak pa sana naming magswimming pero medyo madilim ang langit, uulan yata? Kaya minabuti nalang namin na magsiuwian na.

"Let's go," Si Kai ng nilapitan ako.

"Mag-ingat kayo Natasha, Kai," si Eddie.

"Sige kayo din,"

I waved my hand at them before we partways.

Nasa rock formation na kami at hindi man lang nagsasalita si Kai.

He was completely silent.

Galit ba siya?

"Aray!"

Napadaing ako ng makaramdam ng batong matulis na tumusok sa tsinelas ko.

Butas ang tsinelas at nakatusok ang maliit na batong matulis dito, mabuti at hindi madiin ang pagkaapak ko kaya wala namang sugat pero nagulat ako nang—

Naramdaman ko ang bisig ni Kai sa akin. Pumulupot ang kamay niya sa aking likuran at sa aking paa.

What the fudge!

Binuhat niya ako ng pabridal style.

I froze but when I realize our position, kaagad akong nagreklamo sa kanya. Hindi ko gusto ang sobrang lapit niya sa'kin at isa pa magkadikit ang mga balat namin. It sends different sensation to me for the second time na malapit kami sa isa't-isa.

I feel like there's a fire building up inside me sa nararamdamang mainit na katawan niya.

"Kai ibaba mo 'ko!" I said, tensed.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon