Twenty One

50.5K 1.2K 407
                                    

Hindi ako nakapagsalita kaagad. I was so shocked! Manliligaw siya? At humihingi siya ng permiso? Oh, my god!

My mouth formed an O in shocked.

"Please?" He pleaded.

Tinaasan ko siya ng kilay, hindi pa din makapaniwala.

"Makakasiguro ba akong ako lang ang nililigawan mo? Tsaka baka umasa ka ha.. hindi mo pa alam kung sasagutin ba kita!"

I crossed my arms, narrowing my eyes at him. Nakaakbay pa rin siya sa'kin.

"Don't worry hindi ako papayag na hindi mo 'ko sasagutin, I'll do everything to deserve you and one thing's for sure, wala akong ibang nililigawan,"

Really? Umiwas ako ng tingin at sa harapan nalang itinuon ang atensyon ko.

We need to go back dahil may trabaho pa!

"You're so full of yourself Mr Hiddleston, hindi ka sure kung sasagutin ka kaya huwag kang mayabang!" Kunwari akong nagtaray.

"Sigurado ako, I'm going to win your heart no matter what happens Skye,"

Nakabalik kami sa rest house ng bandang alas dos, after makapagpalit ay sa office niya na dumiretso. Balik trabaho na. Habang ipinagpapatuloy ko ang pag-e-encode sa kanyang table ay hindi ko maiwasang antukin, panay ang paghihikab ko.

Sobra yata akong napagod sa scuba diving kanina. Nasa kwarto niya si Kai, bumaba ako para magtimpla ng kape, pagkatapos ay bumalik na sa office ni Kai.

Nadatnan ko siya na nakaupo sa kanyang swivel chair, chine-check ang trabaho ko sa kanyang laptop.

Simula kahapon ay laptop niya ang pinagamit niya sa'kin.

Dala ko ang isang tasang kape, hindi ko na siya ipinagtimpla dahil tanghaling tapat at baka ayaw niya.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin, bumaba ang tingin niya sa kape na dala ko.

"Inaantok ako kaya nagtimpla," sabi ko.

Umupo muna ako sa sofa at ipinatong sa mini table ang kape. Pumangalumbaba ako, inaantok pa din talaga. Humigop ako para magising kahit papa'no.

"You should rest, pagod ka sa ginawa natin kanina," seryosong sinabi niya.

Tumayo siya at lumapit sa'kin, umupo sa tabi ko. As usual wala na namang space sa gitna namin.

Umiling ako.

"Ayoko, kaya nga ako nagtimpla ng kape para hindi antukin, e,"

Humapit ang kamay niya sa baywang ko. Nakita ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa aking braso at naramdaman ang mabababaw na paghalik niya dito. Nakasleeveless ako kaya diretso sa balat ang paghalik niya.

"'Yan baka hindi ka na antukin," he said huskily.

Sunod-sunod niyang ginawa 'yon hanggang sa mapapikit ako. Baligtad, parang mas lalo akong inaantok!

Ipinahinga niya ang kanyang baba sa aking balikat.

Tahimik ko siyang pinakikiramdaman.

"Uuwi akong manila on Monday," aniya.

Bumaling ako sa kanya.

Siya? Siya lang mag-isa? Paano ako dito?

His face was so serious.

"Bakit? May problema ba? Anong aasikasuhin mo do'n?" I curiously asked.

Nagsimula akong mag-isip ng kung anong pwede niyang gawin doon? What if babae ang pupuntahan niya? Oh, gosh! I'm overthinking, big time! Umiling siya.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon