Forty Seven

45.2K 1K 288
                                    

One year had passed. Naging maayos naman ako dito sa Canada. I'm currently working as a manager in a coffee shop here owned by my uncle, my father's younger brother. I've learnt how to prepare and serve coffee and other beverages to customers in the past months. Kapag hindi busy sa paperworks ay tinutulungan ko ang aming barista na mag-take ng orders and provide service to customers.

Binusy ko ang sarili ko. Sinisigurado kong hindi ako mababakante sa gawain para hindi ako inaatake ng anxiety. So far, nakatulong naman sa'kin ang trabaho ko. 'Yun nga lang sa gabi, 'di ko maiwasang umiyak pa-minsan at mag-overthink nang kung ano-ano, minsan kinailangan ko pang uminom ng sleeping pills para makatulog. Minsan inaatake ako ng migraine kapag sobrang nag-iisip. Mabuti nalang at sa nagdaang taon ay kahit papano'y nakabangon ako. Pero nandito pa rin yung sakit, hindi na nga lang gano'n kalala. Dala-dala ko pa din ang ala-ala. Hindi naman 'yon mawawala. Kung sana nga lang ay pwedeng madelete sa utak eh, why not?

Aminado ako, no'ng bagong salta ako dito, I'm not sure where to begin my healing process, I don't know how I'll be able to heal from the trauma of pain knowing that the man that I love and care the most were planning to get marry anytime soon.

I was lost. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

I felt sorry for Kai and for myself and somehow, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa'min. What if hindi ko siya iniwan? What if nagmatigas pa rin ako? Ano kayang nangyari sa'min? Minsan dinadalaw ako ng mga what if's na 'yan.

Pero sa isang banda, hindi ko rin iniisip na mali ang naging desisyon ko. Tingin ko'y naging mas maayos at naging tahimik ang buhay ni Kai. Siguro'y sobrang successful na niya ngayon. Siguro'y masaya na siya sa piling ng asawa niya. Baka may anak na sila?

Bitterness would always consumed me everytime I thought about that.

Wala kasi akong balita sa pilipinas. Nagde-activate ako ng social media accounts ko. Wala ring nakakaalam ng number ko dito maski email. Kamusta kaya sila Dwight? Miss ko na rin sila kahit papaano and of course ang pamilya ko!

"How's your day?" Tanong sa'kin ni Kuya Calvin sa videocall. Kakatapos ko lang makausap sila Mommy at Daddy, nakagawian ko na silang tawagan once a week bago ako matulog para sa kamustahan at para din hindi ko masyadong ramdam ang homesick dito.

Nasanay na ako na kapag kausap sila ay umaga at gabi naman sa'kin.

"Pretty good. Ikaw? Kamusta ang firm and your uhmm.. secretary yiee!!" I teased.

Nakita ko kasi isang beses sa videocall ang bagong secretary niya and to my horror it was Amara! His girlfriend I guess? Hindi niya man aminin ay tingin ko sila nga! Sabi niya sa akin ay ilang buwan niya na itong sekretarya. Naku, kung hindi ko pa 'yan nahuli ay hindi talaga 'yan magsasabi si Kuya Calvin! Mapagsikreto kasi 'yan!

Nakita ko ang pagpikit at kaonting pag-iling ni Kuya Calvin sa pang-aasar ko, he's frowning at hindi natutuwa sa sinabi ko! Bakit ba? Halata namang sila nga, ah! Minsan ko na siyang nahuling binabanggit ang pangalan ni Amara noong lasing siya!

"I'm going to end this call now. I just wanted to check how your day's going. It seems that everything's going well there."

I laughed at his pissed reaction. "Pikon naman! Ba't ayaw mo na 'kong kausap?"

"Ikamusta mo ako kay Tito. I'm hanging up now,"

He ended the call after saying that. Wala! Pikon talaga siya ibig sabihin ay sila nga talaga!

Well, I really like Amara because of her personality, kaya din natutuwa ako sa kanya, bonus pa na sobrang ganda niya! Kung siya ang makakatuluyan ni kuya ay walang hahadlang sa kanila.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon