Thirty Eight

41.1K 930 659
                                    

Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay Kai, Sir Tristan told me na nabangga daw sa isang four wheeler truck ang sasakyan ni Kai, marami siyang galos, he's concious at hindi naman daw malala pero kailangan pa rin daw siyang matest para makasiguro. Sobra akong natakot, mabuti na lamang at hindi naman malala pero natakot pa rin ako. Yung posibilidad na biglaan siyang mawawala ay hindi ko kakayanin!

"Sshh. Don't cry Love.." Kai said over the phone, snapping me from drowning out of my thoughts. Ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.

I was crying so bad, humahagulgol habang kausap siya. Hindi pa ako tapos sa naging away namin tapos heto ako.. takot na takot sa nabalitaang pagkabangga niya.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo?" Napahilamos ako sa aking mukha.

Sana ay hindi ko siya pinaalis, sa pagod niya siguro'y hindi nakapagpokus sa pagda-drive, sinisisi ko ang sarili ko doon.

"A lot better now that you're talking to me Love.." he huskily said.

"Pupunta ako d'yan, I want to see you.." tumayo ako para kumuha ng damit sa closet at para magpalit.

Sa biyahe ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng mata ko, ramdam ko ang hapdi nito, alam ko ring magang-maga ito mula sa pag-iyak. Para siguro akong kinagat ng bubuyog sa mata but I couldn't find it in me to care.

Pagdating sa ospital ay wala na doon si Sir Tristan, pagkapasok ko sa hospital room niya ay nakita ko siyang nakahiga, nakapikit, nakahospital gown, may benda sa kanyang ulo. May mga galos sa mukha, sa kamay. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa paglabas nito, nag-uunahan silang tumulo. Nang maramdaman niya ang pagpasok ko ay kaagad siyang nagmulat ng mata at tumingin sa'kin.

"I.. I didn't know na mangyayari 'to Kai.. I'm so sorry!" Nilapitan ko siya, hinawakan siya sa kamay at umiyak sa harapan niya. I sat beside him, pinilit niya ang sariling umupo kahit na nahihirapan.

"Paano kung malala? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" I sobbed.

"Love it's okay.. it's not your fault.. I'm fine, ngayong nakita na kita ay magaling na ako.." pilit siyang ngumiti.

"Wala bang masakit sa'yo? How about the tests? May nakita ba sila? Fracture or what?" Nagpapanic na tanong ko.

"Love.. chill.. natapos ang tests at ayos naman ang results, no fracture, galos lang.."

"Huwag mo 'kong utusang mag-chill! This is a serious matter! Muntikan ka nang.." I shut my eyes sa stress na nararamdaman. "Paano kung malala? Mabuti nalang at ginuide ka ni Lord at hindi ka pinabayaan!" I sighed in relief.

He cupped my face, staring worriedly at me.

"Ayos ako Love.. pero tayo? Ayos na ba tayo? Si Armistead, she lied to you, hindi ko alam kung saan kayo nagkausap but one thing's for sure, she's not telling the truth. I know.. My family is a truly messed, but I'll fight for you Love.. Just trust me, paniwalaan mo 'ko. I'm not going to deceive you, I'll never do that Love!"

I just stare at him, crying and sobbing.

"She is not my fiancée, she will never be. Three months ago my mother announced an engagement for me and Armistead, I didn't agree with that bullshit! Tinanggihan ko 'yon.." He looked so pissed. "I proposed to you after that dahil nasisiguro kong ikaw na talaga.. Sigurado na ako sa'yo, ikaw ang babaeng pakakasalan ko. Ikaw lang ang fiancée ko Skye.. mahal na mahal kita.."

He kissed the back of my hand, I don't know what to believe pero isa lang ang sigurado ako ngayon. Ayoko siyang mawala sa'kin, ayoko siyang mawala sa tabi ko. Takot na takot akong mawala siya! I really love him so much!

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon