Forty Eight

47.1K 1K 460
                                    

If "Happy Ever After" did exist, I would still be holding you like this..

*********

Ilang gabi akong hindi pinatulog ng article na nabasa ko. Bakit hindi natuloy ang kasal nila? Anong nangyari Kai? Bakit na-cancel? Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi dahil sa'kin kung bakit hindi natuloy pero may parte pa rin sa utak ko na sumisigaw na ako ang dahilan.

Ilang buwan ang lumipas at pilit kong kinalimutan 'yon. Eh, ano kung ako ang dahilan ni Kai? It won't change the fact that her mother will still be a hindrance. Ayaw sa akin ng Mama niya at kapag ipinagsiksikan ko ulit ang sarili ko'y mapapahamak lang ulit si Kai. Iyon lang naman ang tanging iniisip ko, his reputation.

Nag-iinom kami sa isang bar nila Chesca, lasing na siya at ako naman ay medyo tipsy lang sa ininom na alak. Nag-aya kasi ang katrabaho niya kaya sila rin ang kasama namin sa pag-iinom ngayon, sina Topper at Ezekial ay mga pinoy and the rest were canadian. Niyayaya ako na mag-apply ni Ezekial sa  kompanyang pinapasukan nila pero tinanggihan ko, kontento na ako sa coffee shop ni Tito.

Ezekial is a very kind man. He's a gentleman, handsome, a perfect guy to be exact, he expresses an interest in courting me but I politely declined. Hindi ko alam pero I just can't imagine him as my boyfriend. After ng breakup namin ni Kai ay wala na yata akong naging interes sa ibang lalaki, personalidad na kagaya niya ang hinahanap ko pero walang pumapantay. He raised my standard in a high level of expectation that only he could meet them.

Mabuti nalang at mabait si Ezekial at nirespeto ang desisyon ko tungkol sa pagtanggi ko sa panliligaw niya.

Nagsasayaw si Topper at Chesca at iba pang kasama namin sa dancefloor ngayon habang kami ni Ezekial ay magkausap sa aming pwesto.

Ezekial lean closer to me and whispered to my ear.

"Are you drunk?"

Kailangan niyang lumapit para marinig ko siya since maingay din sa bar. I saw how his eyes went to my lips when I glance back at him but averted his eyes immediately. Napagtanto kong sobrang lapit pala talaga niya, napansin niya rin 'yon kaya lumayo siya ng kaonti.

"Tipsy," pagtatama ko. Bumalik sa dancefloor ang mata ko.

"Tell me if you want to go home. Ihahatid na kita, mauna na tayo sa kanila," sigaw niya sa tamang espasyo sa pagitan namin.

"No. Okay lang Ezekial. Kailangan kapag umuwi ako, kasama ko si Chesca," sagot ko.

Nakita kong wild na sumasayaw si Chesca, kasaway niya si Topper pero may ilang lalaki pa rin ang pa-simpleng lumalapit sa kanya. Napairap ako! Center of attraction yarn? Videohan ko kaya siya tapos i-send ko kay Sir Tristan?

Dumami ang alak sa harapan namin kaya nalasing na ako ng tuluyan. Lumalim ang gabi, naging wild ang lahat. Hinila ako ni Chesca sa dancefloor pati ang tahimik na si Ezekial, nagsayaw kaming lahat.

Sa sobrang kalasingan ay pagbalik na pagbalik namin sa sofa ay napahiga ako doon. Naramdaman ko nalang na may umayos sa'kin, I felt a hand tightening around my waist.

Nang magmulat ako ng mata ay bumungad sa'kin ang galit na mukha ni Kai. Napakurap-kurap ako. Am I hallucinating things? Nang mahimasmasan ng kaonti ay mukha ni Ezekial na ang nakita ko pero maya-maya pa ay mukha na naman ni Kai.

Natawa ako ng mahina. Nababaliw na ako!

"What's funny?" Bulong sa'kin ni Ezekial.

"Uwi na tayo! Yayain mo na si Chesca!" Hindi ko alam kung paano ko pa 'to nasabi.

Kumurap-kurap ulit ako at nakita ko na naman ang mukha ni Kai. I'm not sure what happened after that, basta, I just felt someone kiss my lips and then black out.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon