Thirty Five

42.9K 935 232
                                    

"Of course you can't do that! You're both young, alam kong mapupusok kayo pero ang pagtira sa iisang bubong ay ginagawa kapag nakasal na Natasha!" My mother shrieks.

Nasa kwarto ako habang busy si Kai sa kanyang laptop sa living area. Hindi niya alam na tinawagan ko si Mommy, ang gusto niya kasi ay siya ang kumausap sa mga ito.

Plano ko rin namang kausapin si Mom sa personal pero masyado akong takot sa magiging reaksyon niya kaya sa tawag ko nalang sinabi, I don't know kung makukumbinsi ko ba siya na payagan akong tumira kay Kai.

Hay, kung alam niya lang na dito na naman natutulog si Kai simula ng maging kami..

"Alam ko po Mommy pero mahal ako ni Kai at mahal ko siya, mas maigi na po na masubukan naming magsama para malaman namin kung compatible ba ang ugali namin sa isa't-isa. Also, we would know if we could level this up to marriage, we will try to work this out, kapag hindi namin kinaya ay bakit pa mapupunta sa kasal?"

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Mommy.

"Bakit kailangan niyo pang magsama? Kung tatagal ang relasyon niyo ay malalaman niyo din naman kung pwede kayo sa kasal o hindi," As usual, hindi magpapatalo si Mom as she always was.

Napahagod ako sa aking buhok.

"Kailangan naming subukan Mom, please? Payagan mo po ako, just this once. I'm begging you.." I try to convince her sa nagmamakaawang boses ko.

"Are you sure about this? Paano kung malaman 'to ng magulang niya? Pumasok ka sa sa isang relasyon na hindi mo alam ang ugali ng magulang niya," she sound so dissapointed.

"Si Kai po ang pakikisamahan at mamahalin ko hindi naman ang magulang niya Mom, kung malupit sila ay wala na akong magagawa pa do'n, ang tanging magagawa ko nalang ay tatagan ang loob ko sa mga posibleng mangyari in the future,"

"Okay fine! Do whatever you want! Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo!"

"Mom please.. let's just see how it goes.. nakikiusap po ako sa'yo ng maayos, huwag ka naman pong magalit, huwag tayong mag-away Mom.. please?"

"Pinagsabihan kita anak.. I did.. kung masaktan ka sa huli, pinili mo 'yan.."

Napabuntong-hininga na lamang ulit ako. In the end, pumayag si Mommy pero hindi magaan sa loob niya. Alam ko naman, ayaw niya lang akong masaktan, sino bang magulang ang gustong nakikitang nasasaktan ang anak niya?

Ako din naman, I don't want to experience heartache, pero kaakibat na 'yon ng pagmamahal. Ang saya ay may kakambal na sakit, wala naman yatang tao na hindi pa naranasang masaktan no'ng nagmahal.

Isinantabi ko lahat ng iniisip at nagsimulang mag-impake. Gusto ko lang talaga ay pagbigyan si Kai sa gusto niya, I guess mas magiging masaya kami kung sa kanya ako titira. Sabi niya nga aalagaan niya daw ako, mas convinient din kapag nandoon kami dahil 20 minutes away lang ang biyahe from his office to his penthouse, unlike dito 30-40 minutes ang inaabot ng biyahe hindi pa kasama ang traffic.

I checked the time, it was 6 PM na hindi pa kami nagdi-dinner. Tumawag nalang ako sa isang fast food para magpadeliver ng food pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang pag-iimpake. Nang matapos ay lumabas na ako, tinabihan ko si Kai at yumakap sa kanya. He was very busy typing on his laptop. My eyes shifted from his laptop to his face, I couldn't help but to observe him, sobrang seryoso niya sa kanyang ginagawa. I tsked. Kakatapos lang ng trabaho ay trabaho na naman ang inaatupag ng CEO ko.

"Busy day huh.." I snorted with a slight laugh.

Kaagad niya akong niyakap din at humalik sa gilid ng aking ulo.

"May surprise ako.." sabi ko.

Nakakunot ang noo niya ng tumingin sa'kin, seryoso lamang. Ba't mukhang stress na naman siya?

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon