Special Chapter I

57.8K 1.2K 221
                                    

Vlogging

"Hi guys! Nakarating na nga pala kami dito sa isang hotel sa maldives, my husband's currently resting because he has a jetlag.." I rolled my eyes.

"Napakaarte!" I murmured.

Nang makarating kami sa isang sikat na island dito sa maldives ay nagpahinga kaagad si Kai.

"You know I can hear you..." he sounded so sleepy.

"Hahahahaha! Magpahinga ka na Love! Ba't gising ka pa?"

Pinatay ko muna ang camera at nilapitan ang nakadapa kong asawa sa kama. He looked so so tired, bago kasi kami umalis ay marami siyang tinrabaho.

His big shoulders were visible. Wala siyang pang-itaas na damit, tanging boxer short lang ang suot.

"Come here.. patulugin mo ako.." he said so huskily.

Nang makalapit ako sa kanya, tumihaya siya at hinila ako sa tabi niya.

"Nagva-vlog kaya ako!" Sabi ko.

"Sshh.. mamaya na 'yan. Mamayang gabi na din natin binyagan 'tong kama.. maldives baby is a very good idea.." he murmured.

Nang tumingala ako ay nakita ko ang pagod na mukha ng asawa. I brushed his hair, kawawa naman ang asawa ko! Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi.

"Pahinga ka na muna.." sabi ko.

Nakatulog din naman kaagad siya. I'm into vlogging these days, I don't know but I just want to try vlogging since wala akong masyadong pinagkakaabalahan, bukod sa nagtatrabaho ng kaonti sa pagtulong sa asawa ko ay feel na feel ko din ang motherhood life ko kay Zoey Skyler. She's currently eight years old right now. Makulit na nga at marami nang tanong. Ayaw ko pa nga sanang iwanan si Skyler kay nila Mama kaso ang asawa ko gustong-gusto na akong masolo.

Nagpaparinig, gusto na daw ng second baby! Sus, akala mo talaga siya ang magbubuntis at manganganak! Ang sakit kaya!

Naka-ilang upload na rin ako sa aking youtube channel, usually daily rouine, skin care, a day in my life, mga ganoon. Ayaw na ayaw ni Kai na isinasama ko siya sa aking pagva-vlog. Ewan ko ba d'yan, ang KJ! Pero every outro ng aking video ay palagi ko siyang isinasama, kung hindi siya nakasimangot ay nagtatakip naman ng mukha.

Ngayon ay wala akong pake sa kanya! Basta magvo-vlog ako dahil sayang ang ganda ng lugar! Wala siyang magagawa kung kukuhanan ko siya, kapag hindi siya pumayag ay hindi ko siya pagbibigyan sa request niyang baby!

Nakapag-video na ako kanina no'ng nasa plane kami pati ng makarating dito pero nakakainis talaga si Kai kanina!

"Love sama ka iva-vlog ko trip natin!" Sabi ko bakas ang excitement ng makasakay sa eroplano. This is my first time vlogging while we're having a vacation.

He glared at me. Hinampas ko nga sa braso. Nakakainis!

"Videohan nalang kita," aniya habang napakamot sa kanyang batok. He ended up taking a video while I'm making my intro.

Nang magising siya ng hapon ay lumabas na kami at kumain muna. The brightness of the sun was relaxing, the sound of the waves crashing against the shore was refreshing, the deep blue ocean was breathtaking, gusto ko na tuloy lumangoy sa ganda ng view.

Nakabikini na ako nang pumunta na kami sa dagat, naka-itim na beach short naman si Kai. After giving birth to Skyler ay hindi naging madali sa'kin ang pagbabawi sa dating kong katawan, sobra akong pumayat, mabuti nalang at bumalik din matapos ang isang taon ang dating shape ng aking katawan.

"I thought you were vlogging..." paglapit sa'kin ni Kai matapos naming lumangoy hanggang sa nasa gitnang parte na ng dagat. Grabe ang linaw ng dagat at ang ganda dito!

"Baby time muna! Mamaya na sa vlogging!" Sabi ko at ipinulupot ko ang kamay sa kanyang leeg.

"Sorry Love. Akala mo yata ayaw kong gawin mo 'yan. You know I'll support you with everything even vlogging." He seriously said.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Gone the weary look on his face.

"I understand naman Love. Don't worry hindi na kita masyadong vi-videohan, ang dami din kasing gusto kang kunin sa'kin sa mga viewers.." natatawang sabi ko.

Naalala ko pa na may isang nag-comment ng number at social media accounts niya para kung sakaling pagsawaan daw ako ng asawa ko ay siya ang papalit sa'kin. Duh! As if naman mangyayari 'yon!

"Nag-aalala ka pa sa mga 'yon?" He raised an eyebrow.

I rolled my eyes. "Hindi! Bakit pagsasawaan mo ba ako?!" Sigaw ko.

He burst out a bark of laughter. "Of course not! Ang pikon mo naman. Halika na nga, balik na tayo, gawa na tayo ng maldives baby.."

Humiwalay ako sa kanya at lumayo. "Eh, mamaya na! Ang ganda ganda dito eh!" Reklamo ko.

Sa huli ay pumayag siyang manatili kami doon saglit at pagkatapos ay maya-maya lang din ay nagpasya nang bumalik sa aming suite. No'ng sinabi niyang gagawa nga ng baby sa maldives ay sineryoso nga ni Kai. Sobra sobra ang performance niya ngayong gabi na tila gigil, lahat yata ng position ay nagawa na namin. Ewan ko nalang kung hindi pa ako mabuntis sa lagay.

Kinabukasan ay nagwork-out kami sa malapit na gym, namasyal sa magandang parte pa ng island, we also tried different ocean activities like sea kayaking and snorkeling.

On our last day here ay nagrelax lang kami sa aming suite, kinagabihan ay nagpasyang mag-inom sa isang luxurious bar and back to our suite again.

One month after ng bakasyon namin ay nakita ko si Amara sa isang florist shop. Dito ako madalas bumili ng ibinibigay kong bulaklak kay Mommy at kay Mama Linda.

Naging close kami ni Mama Linda. Tinanggap niya ako nang muli kami magbalikan ni Kai. Pinatawad ko siya, tinanggap niya ako. Ang galit ni Kai sa Mama niya ay nagtagal pero kalaunan ay nagawa ding magpatawad.

"Hi Amara!" Pagbati ko.

Nagulat siya, I saw how her eyes widened. "H-hello N-natasha!"

Nakipagbeso ako sa kanya. Ang tagal ko na siyang hindi nakita simula noong....

Nag-aalangan ko siyang nginitian. "Congrats sa upcoming wedding mo..."

Umiwas siya ng tingin at tipid na ngumiti. She looks like she don't want to talk about it and I understand. I don't know her story but Kuya Calvin was really hurt when he heard about Amara's wedding.

"Sorry.. I need to go.." paalam niya at nagmamadaling umalis.

Nang makabili para sa bulaklak ay nagmadali na rin akong umalis dahil pupunta pa sa lunch namin sa aming bahay. Nandoon na daw sina Mommy at Daddy, ang pamilya ni Kai, even Kuya Sebastian and her wife was present there.

Nagyaya kami ng lunch sa bahay to announce something. Pinarenovate namin ni Kai ang binili niyang bahay namin at doon kami nakatira as of the moment.

Nang nasa stoplight ay sinagot ko ang tumatawag na asawa ko.

"I'm already home. Nasa'n ka na?" He asked over the phone.

"Pauwi na rin. Malapit na ako.." sagot ko.

"Okay take care. I love you.." sabi niya.

Napangiti ako and I know siya din, I can sensed that he was smiling too, we were excited to finally announce it to our family.

"I love you too!" I replied.

***

Thank you guys sa pagsuporta sa story ni Kai and Skye. I'm planning to have a second special chapter which is POV ng anak nila for second generation ng sec series! Don't forget to read the story of Calvin and Amara, ipu-publishe ko na rin ang epilouge to chapter one. Grabe kayo! Sobrang thank you sagad! Natapos ko ang HSS with 237k plus reads. My first ever completed story tapos ganito kalaki yung reads! SOBRA KAYO SUMUPPORT! I love you all, keep safe always and remember that your dream will come true! Samahan natin ng prayer at pursige sa buhay! Again, thank you so much! Mahal na mahal ko kayo!!

🎉 Tapos mo nang basahin ang His Substitute Secretary (Secretary Series #1) 🎉
His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon