Forty Four

42.8K 1K 902
                                    

I recommend you to listen to ben & ben kathang isip slowed and reverb song while reading this chap. Pero kung ayaw niyo okie lang haha! (edi don't!) 😂

******

"Makikipaghiwalay na po ako sa anak niyo kaya please po, huwag niyong hayaang matanggal siya sa posisyon!" Sa nakikiusap ko na boses.

Malamig lamang ang titig sa'kin ni Tita Linda. Nandito kami sa isang restaurant kung saan niya din ako kinausap last time tungkol sa pag-iwan ko kay Kai.

"I want you to go as far away from him as possible. Huwag mo siyang babalikan. Go abroad, I don't care, basta malayo ka sa anak ko!"

Pagak akong natawa. Pinalalayo niya ako sa anak niya, papupuntahin pa akong ibang bansa para lang hindi ako mahabol ni Kai.

"Panoorin niyo po kung paano magiging miserable ang buhay ng anak niyo. Kung paano siya maghahabol sa'kin. Kung paano siya mahihirapang makalimutan ako," may diing sinabi ko.

Malalim ang pinagsamahan namin ni Kai kaya nasisiguro kong maghihirap siya sa paghihiwalay namin. Ito na lang ang naiisip kong solusyon para sa ikabubuti niya. Tanggap ko na, oo, iiwanan ko na siya. Magpakasal siya kay Armistead gaya ng gusto nila, wala na akong magagawa doon. Pero 'tong sakit? Hindi ko alam kung hanggang kailan ko 'to bibitbitin. Hindi yata ako makakawala sa sakit.

"How sure are you hija? Kilala ko ang anak ko. Isa ka lang sa mga babaeng minsan niyang tinikman, don't think that youre too special. Tipikal ka lang din, nandyan si Armistead, siya ang mag-aalaga sa anak ko kapag nawala ka. We will get them married, sa lalong madaling panahon," she smirked.

Tagos sa kaluluwa ko ang sakit ng marinig ang huli niyang sinabi.

"I just wish you well ma'am. Kaya kong magpatawad pero hindi ako makakalimot," tumayo na ako para iwanan siya.

"I don't want forgiveness from anybody though,"

Hindi ko na 'yon pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag-alis para pumunta sa trabaho ko. Naiwan ko doon si Tita Linda na sumisimsim ng wine, celebrating her victory I guess.

Hindi ko nga lang alam kung paano ako makikipaghiwalay kay Kai. Kung paano ako unti-unting aalis sa penthouse niya. Hindi ko alam kung anong putang inang dahilan ang sasabihin ko sa kanya para maghiwalay kami!

I just want this to end. Para matuto akong magpatuloy ng wala na siya sa buhay ko.

Lunch time, tinawagan ako ni Kai. Seeing his name on my screen made my heart ache again. Parang kinukurot ng pino ang puso ko. Don't call please. Of course, hindi ko 'yon sinagot. Kamusta kaya ang board meeting nila? Did it went well? Napanatili ba siya ni Tita Linda sa posisyon?

Yun lang ang laman ng isip ko buong maghapon. Para akong zombie na nagtatrabaho. Madalas nakatulala at malalim ang iniisip. Magbe-breakdown habang nagtatype sa computer. Iiyak sa loob ng cubicle ng CR. How can I endure this pain? For how long? Masyadong masakit at malalim. Hindi ko alam kung makakabangon pa ako.

Maaga akong umuwi sa penthouse ni Kai para mag-impake na ng gamit. Pinatay ko ang cellphone ko dahil panay ang tawag niya. Nagmamadali ako at ayaw nang maabutan niya pa ako pero wala pa sa kalahati ng gamit ko ang nai-impake ko ay dumating siya.

"Skye!" Narinig ko ang sigaw niya sa baba.

Napapikit ako. Hearing his voice hurts me and the thought of breaking his heart pains me so much.

Nagmadali ako na isara ang maleta at punuin ng gamit ang isa pa.

"Skye-w-what are you doing? Saan ka pupunta?"

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon