Thirthy One

50K 1K 460
                                    

Nagkatinginan si Kai at si Kuya Calvin. Nakakunot ang noo ni Kuya Calvin habang seryosong bumaling ang tingin sa nakaboxer lang na si Kai.

Oh, no! Is this a disaster? Si kuya naman kasi hindi nagsasabi na pupunta siya!

Isinara ko ng kaonti ang pinto para maputol ang tingin ni kuya kay Kai.

"Wear your fucking shirt!" Natatarantang sinabi ko kay Kai.

"Your brother?" Tanong pa ni Kai at lumapit sa'kin.

Tumango ako, kinakabahan. "Oo, kaya magsuot ka na ng damit! Bilisan mo na!"

"Open this goddamn door Natasha Skye," narinig ko ang malamig na boses ni Kuya Cal. Shit! 

This is the first time na mahuhuli ni Kuya Cal na may kasama akong lalaki sa aking condo, take note boyfriend ko! First time kong magpapakilala ng boyfriend sa kanya kaya hindi ko alam kung paano siya magrereact!

May mga lalaking nagtangkang pumorma sa'kin noon pero nahaharang kaagad ni kuya, well, noon 'yon! Noong highschool to college ako! Ngayon I'm adult na, at hindi na dapat sila masyadong naghihigpit sa'kin.

Nang makapasok na si Kai sa aking kwarto ay pinapasok ko na si Kuya Cal, malamig ang titig niya sa'kin. What did I do? Normal naman na sa henerasyon ngayon ang ganito ah, minsan talaga nakikitulog ang boyfriend sa place ng kanyang girlfriend. It's just normal, walang masama! Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili, nagulat lang ako ng magsalita si Kuya, as in literal akong nagulat talaga!

"Boyfriend mo?" Straight to the point na tanong niya, hindi pa man namin natutungo ang living area.

Hindi ako makatingin sa kanya. Is he going to scold me for having a boyfriend?

"U-upo k-ka muna kuya! Would you like something to eat? Or something to drink? Juice or coffee? Nag-almusal ka na?"

Kunwari nag-aayos ako ng mga figurine sa istante ko para maiwasan ang nanghuhusgang mata ni Kuya Cal.

"Boyfriend mo?" Tanong niya ulit.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napakagat ng labi, humarap ako sa kanya, nakita ko ang seryoso niyang mukha habang nakaupo na siya sa sofa, nag-aaway na sa aking tyan ang aking mga daliri.

"Y-yes! I-I'm an adult now! Hayaan niyo naman ako na magkalovelife! Don't you try to interfere with my lovelife Kuya Cal—"

He cut me off.

"Kai Hiddleston? Really Natasha Skye?" Masamang titig ang ipinukol sa'kin ni kuya.

Kilala niya! Siguro naman papabor siya dahil boyfriend ko lang naman ang CEO na si Kai!

"Oo kuya! I guess kilala mo na siya, CEO lang naman kasi ang boyfriend ko!" I said proudly.

He scoffed. "You didn't check his background before entering this relationship?" Tila dismayadong tanong niya.

Nangunot ang aking noo, tila kinakabahan sa sinabi ni kuya. What exactly did he mean by that? His dating history ba? Alam ko na ang mga nakadate niya, kilala ko sila!

"What do you mean?" Kinakabahang tanong ko.

Nagulat ako ng tumayo si Kuya Cal, nakalabas na si Kai sa aking kwarto.

"Mag-usap tayo," malamig na sinabi ni Kuya Cal kay Kai.

Nilagpasan ako ni kuya, wait? Mag-uusap sila, saan? Hinabol ko si Kuya Cal bago siya makalabas sa aking condo. Hinablot ko ang kamay niya.

"Wait! Saan kayo mag-uusap?" Nagpapanic na tanong ko.

"Love it's okay.." si Kai ng makalapit sa'min.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon