Twenty

51.3K 1.2K 290
                                    

Inilapat ni Kai ang kanyang noo sa akin. He's staring at me with a smile on his face. Hindi ko magawang ngumiti, nahihiya ako lalo pa't galing kami sa halikan. Ang galing niya, no doubt dahil marami na siyang experience unlike me? Wala pang kahit ano!

Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya, naging tahimik kami parehas, tanging mabilis na hininga lang namin ang rinig ko. 

I looked up at him again, nibbling on my bottom lip, hindi nawawala ang ngiti sa labi niya, his eyes were moving all over my face like he was reading me throughout my soul.

"Come, let's enjoy this place," ani niya at hinila na ako papunta sa ilalim ng mismong falls.

We stayed there until magsawa ako, ako lang hinihintay niya at no'ng sinabi kong gusto ko nang umuwi ay kaagad na siyang nagyaya.

Magkahawak ang kamay namin pababa sa hundred steps, kinikilig ako, is this even real? Us? I mean, oo hindi pa kami, pero itong nangyayaring 'to? Totoo? Hanggang kailan? Paano kung.. masaktan ako bandang huli?

Binalingan ako ni Kai kaya napasinghap ako. Unti-unting nawala ang mga iniisip ko.

"Bukas let's do scuba diving," nakangiting ani niya.

Kumunot ang noo ko. After sa falls ay scuba diving naman? Ano 'to? Bakasyon?

"We have to work," sumimangot ako.

Umiwas siya ng tingin at sa hagdanan na itinuon ang atensyon.

"The rest of our days here will spent on my terms,"

Tumigil ako sa paglalakad na siyang dahilan din ng pagtigil niya dahil magkahawak ang kamay namin. Nagtataka ako sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin do'n?

"Anong klaseng terms? You mean we'll be on vacation and we won't be working?"

Umamo ang mukha niya habang lumapit sa'kin.

"Kahit hindi tayo magtrabaho Skye walang problema, isang buwan lang tayong nandito. Consider this a vacation,"

Hindi nawala ang kunot sa noo ko. Hindi bakasyon ang pinunta ko dito! Baka mamaya n'yan may magkwestiyon pa sa'kin dahil pinapasahod ako tapos magbabakasyon lang ako at maggagala-gala!

"Pinapasahod mo 'ko tapos magbabakasyon lang ako dito?" I scowled.

Pumikit siya saglit pero kaagad ding nagmulat.

"I don't mind Skye. Please, just relax and enjoy our time here okay? Huwag ka nang maraming iniisip pa,"

"Kai naman! May responsibilidad ako bilang sekretarya mo dito pero 'di mo 'ko binibigyan ng trabaho!"

Nasanay ako na nagtatrabaho ng patas. At kung puro pasarap lang ang gagawin ko dito'y nakakakonsensya 'yon. Maigi pa nga kung bumalik na lang ako sa Manila.

"Fine, magtatrabaho tayo right after natin magscuba bukas,"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"At mamaya?"

He closed his eyes dramaticaly.

"Magtatrabaho Skye, okay na ba?"

We decided to go back to his rest house. Maayos ang usapan at dapat pagkabalik ay magtatrabaho na kami. Ilang araw na akong naglu-lugaw dito, nakakakonsensya din. Malaki ang offer na sahod sa'kin kaya dapat ay may ambag ako sa kanilang kompanya.

Nasa opisina niya kami ngayon, binigyan niya ako ng ilang dapat tawagan para magdiscuss about sa project nila dito which is they will supply steel to a big company here, their warehouse manufactured iron and steel, they also export to different countries worldwide. Sariling gawa nila ito at hindi angkat mula ibang bansa, nalaman kong sa ganitong industriya pala nakilala ang kanilang kompanya, lumago, dumami ang kanilang warehouse, factory sa iba't-ibang lugar sa bansa.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon