Thirty Four

42.6K 970 275
                                    

"I am telling you this dahil alam kong kikilos ang magulang ko at gusto kong.. maging handa tayo.. I promise to protect you Skye and our relationship.. hinding-hindi kita susukuan, I'll fight for you, kahit pa.. mawala lahat.."

I glance up at him, naiiyak ako at natatakot sa posibleng mangyari.

"Huwag mong sabihin 'yan.. kahit mawala lahat? Para sa'kin?" I said, nakakaguilty 'yon. Para sa'kin, hahayaan niyang mawala lahat sa kanya.

Did he mean by that, 'yong posisyon niya ba? Yung karangyaan? Yung kompanya? Napailing-iling ako, it's not going to happen.

I saw sadness in his eyes.

"Ipaglalaban kita, Skye.." aniya.

"M-may p-paraan naman siguro, baka pwede nating mabago ang isip nila at.. matanggap ako.." yumuko ako.

I heard his deep sighed.

"Yeah, we can do that. Sabihin mo lang kung kailan mo sila gustong makilala at.. ipapakilala na kita.."

Nanlumo ako sa narinig, hindi ko magawang maging masaya. Meeting his parents means facing the reality, hindi ako ang gusto nila para sa kanilang anak. Anong mga posible nilang gawin? Ang kuya niya, kahit na nagkaanak ay pinaghiwalay pa rin. Kami pa kaya na bago palang magkarelasyon? They can easily get rid of me, madali akong masaktan, but I guess kailangan kong tatagan ang loob ko para kay Kai.

It was a tiring day. Sa trabaho ay marami akong inaasikaso, lunch time lang ang pahinga, nang nagkaroon ako ng oras ay sadya kong pinuntahan ang social media accounts ni Armistead Oliveira, pagak akong natawa. Siya 'yong babaeng tinitingala ko dahil sa kagandahan niya, sabi ko pa'y papasa siya kung magmomodel dahil matangkad at maganda ang hubog ng katawan.

I saw a few of her post, maraming likes at comment. Maraming nag-a-admire sa kanya at hindi lang pala ako. I sighed heavily, kung sila nga ni Kai ang magkakatuluyan ay.. perpekto na. Maganda siya, mayaman, bagay sa estado ni Kai unlike me?

Umiling-iling ako. Pilit na isinasantabi ang insekyuridad.

"What's with the long face?" Lumapit sa'kin si Chesca sa pantry at umupo sa tabi ko. Dito nalang kasi ako kumain, masyadong pagod kung lalabas pa para kumain sa isang restaurant.

May dala siyang food, magsisimula palang kumain. Bakit naman dito siya sa'kin tatabi? Baka magmaldita lang 'to sa'kin eh.

"Mind your own business," pagtataray ko, bago niya ako unahang magtaray.

"Let me guess? May babae si Sir Kai?" She looked at me, raising an eyebrow.

"Let me guess? Tsismosa ka?" I mocked her.

"Wow, ang taray, ah! Gumaganti ka ba sa'kin?"

"Deserve," napairap ako.

"Kung ako sa'yo, babantayan ko ng husto ang boyfriend ko. He's a hot good looking guy, mayaman, CEO, kung kailangan mo ng impormasyon, lapit ka lang sa'kin. I'm a good source," she winked at me bago umalis sa tabi ko.

What the hell? Ano siya paparazzi? Hays, boring siguro ng life niya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.

Tumawag sa'kin si Kai para sabihin na hindi siya makakauwi sa aking condo, kailangan daw siya sa mansion nila. His Dad and his Mother called him, hindi niya nabanggit kung para saan.

"Ipapahatid kita kay Hugo pauwi.." namamaos niyang sinabi.

Umiling kaagad ako kahit hindi niya naman nakikita. "Hindi na, ayos lang Love, may taxi naman kaagad d'yan pagkalabas.."

"Are you sure? I'll go home to you kapag natapos kaagad ang pag-uusapan namin.."

I smiled sadly, ewan nalulungkot ako. Anong posibleng pag-uusapan nila? Ayoko naman magtanong at kulitin si Kai about do'n. Gusto ko magkwento siya, kapag magkasama kami.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon