I was so nervous when were on our way sa mansion nila Kai. Ito ang unang beses na makakapunta ako dito para pormal na maipakilala ni Kai sa kanyang pamilya. Madalas ang pagbuntong hininga ko sa kaba na kaagad na napansin niya.
He looked at me and gave a reassuring smile.
"Love relax, it's just my parents," he stated.
I shut my eyes, doble-doble talaga ang kaba ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Kai sa aking kamay.
"Sana ay maging maayos ang gabi," I sighed again for the nth times.
Nang makarating sa kanilang mansion ay kaagad na lumibot ang paningin ko sa paligid. You could see a tall glass window within the rock walls, mula sa labas ay kita ng bahagya ang ganda ng loob ng kanilang mansion. The house was sorrounded by small tree's, different expensive plants and a big fountain in the middle, the second floor has a beautiful balcony lawn, this was indeed a lavish and luxurious mansion. Naisara ko ang bibig ko na saglit na ngumanga sa pagkamangha.
"Pasok na tayo, huwag kang kabahan. Nandito lang ako Love," pagpapakalma sa'kin ni Kai. He kissed my temple gently.
"I love you.." he said.
I just replied him with a relax smile, pero kinakabahan parin ang kaibuturan ko.
Iilang mga maids ang nasalubong namin. They were slighly bowing their heads as a respect. Tahimik ang malawak na mansion, maraming nakasabit na minimalist painting sa kanilang wall, it looks very expensive. May malalaking vase, mamahaling figurine, mamahaling chandelier na nagbibigay ng tamang liwanag.
I swallowed, trying to make myself calm.
Tuluyan kaming nakapasok sa mansion, narinig namin ang bahagyang usapan ng kanilang pamilya sa loob ng kanilang malawak na dining area I guess?
Nang makapasok ay halata ang gulat sa mukha ng sa tingin ko'y Daddy ni Kai at ng Kuya Sebastian niya. Hindi nila inaasahan ang presensya ko, bakas din ang gulat sa mukha ng Mama ni Kai. Ang pagkakaiba nga lang, mukhang masayang nagulat ang Daddy ni Kai and his brother while his mother.. obvious na hindi masaya sa presensya ko.
Napayuko ako. Kai tightened his hold on my waist.
Iginiya niya ako palapit sa mga ito.
"Ma, Dad, Kuya, this is Natasha Skye, my fiancée,"
Napasinghap ang Mama ni Kai. Ngumiti sa'kin ang Daddy niya ganoon din ang Kuya niya. Tipid ko silang nginitian, kinakabahan pa rin.
"It's nice to meet you ija,"
Tumayo ang Daddy ni Kai to offer his hand at me, I accepted it wholeheartedly.
"Thank you po, nice meeting you din po," I said shyly.
"Finally, a very serious one huh," ramdam ko ang panunukso ng kuya ni Kai sa kanya. "Nice to finally meet you Natasha, I heard so much about you," he said with a slight nod.
I accepted his hand too.
"N-nice to meet you din po," for a second, para kong na-meet ang isang version ni Kai, a matured one.
Matapos ay umupo na kami, okay na sana, nasanay na ako sa mapait na reaksyon ng Mama ni Kai. She didn't greet me, she didn't smile at me at ayos lang, hindi ko naman siya mapipilit na magustuhan ako agad agad.
Okay na sana eh yun nga lang hindi ako natuwa ng makita na papasok sa dining area si Armistead. She was smiling pero nawala ng makita ako. She's invited too huh. Naging tense siya ng balingan siya ni Kai. Kai sent her a cold stare, umiwas ng tingin si Armistead at pumunta sa tabi ng Mama ni Kai para maupo.
BINABASA MO ANG
His Substitute Secretary (Secretary Series #1)
RomanceSecretary Series #1 (UNDER REVISION) Natasha Skye Aragon hates Kai Mikaelson Hiddleston for being a playboy; she would rather date a not-so-good-looking guy but humble than a handsome man but has an arrogant attitude. Until she is forced to accompa...