Twenty Two

46.7K 1.2K 911
                                    

I heard their gasps and whispers. Isang mababaw na halik lang 'yon pero sapat na naman siguro para malaman ni Belinda na sa'kin si Kai.

Lady, back off now!

"Huwag mo 'kong pagselosin," Kai said in a very scary tone.

"Likewise," I responded, a smile was plastered on my lips.

Magkahawak kamay naming nilapitan ang grupo sa bonfire. Nakangiti sa'kin si Annette at Roberta while other boys tapped Kai's shoulder na tila binabati nila ito.

Eddie glance at me shyly, alam kong gusto niya ako and I tried to entertain him pero naudlot na dahil kay Kai.

Nakakaguilty pero sana ay maintindihan niya, he's a good person.

Unti-unting ngumiti si Eddie sa akin.

"Congrats sa inyong dalawa," bati niya.

Bakit congrats? Ni-hindi pa nga kami, eh! Pero okay na rin 'yan para mas lalong dumistansya si Belinda.

"Thanks Eddie!" Sabi ko while smiling genuinely at him.

Lumapit sa'min si Belinda. Hindi magawang ngumiti. Seryoso lang ang mukha niya at malamig ang titig sa'kin. What did I do to her para magalit siya sa'kin ng ganyan? I didn't steal anything from her dahil wala namang kanya at the first place, hindi sa kanya si Kai.

"Hindi ba may girlfriend si Kael sabi mo Natasha?" Seryosong tanong niya.

"Oh, 'yon ba? Sorry sa fake news Belinda, pamangkin niya lang pala 'yon," sagot ko.

"Sinabi mo ba 'yon sa'kin para magalit ako at akala mo lalayuan ko si Kael?"

Umasim ang mukha ko at nairita sa paratang niya.

"Sinabi ko 'yon dahil akala ko girlfriend niya talaga ang palaging kausap para aware ka na he's taken,"

Everyone's eyes were settled on us now.

I heard Kai's heavy breath. Tila problemado sa nasasaksihan.

"Mali, nagsinungaling ka para magalit ako kay Kael! Pero naging maayos kami pagkatapos noon pero nagulat nalang ako na hindi na muna ako pwede sa rest house. Bakit? Dahil minanipula mo si Kael?!"

"Belinda!" Kai voice thundered.

"You have no right to accuse me of anything, Belinda! Kagustuhan ni Kai na huwag ka nang pumunta sa rest house, wala akong alam doon!"

"Talaga lang ha? Ngayon napatunayan ko kung anong totoo mong ugali," ngumisi siya at bumaba ang tingin sa katawan ko ng may pandidiri.

"Mang-aakit! Malandi!" Akusa niya pa.

"Fucking stop Belinda!" Kai voice thunder again in a very scarily tone.

"Belinda!" Si Annette.

"Tama na 'yan!" Si Eddie.

"Wala namang ginagawa sa'yo si Natasha para akusahan mo nang ganyan!" Si Roberta.

Natahimik ako sa pagdepensa ni Kai at ng mga kaibigan sa'kin. Ramdam kong humigpit ang hawak ni Kai sa aking kamay, I glance down at our hands when he intertwined our fingers.

I stare up at him again, madilim ang titig niya kay Belinda.

Nang muli akong bumaling kay Belinda ay nakatingin din siya sa kamay naming magkahawak ni Kai. Kitang kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha.

"Umuwi ka nalang Belinda, hindi ka pwede dito dahil nanggugulo ka," bulong ni Annette kay Belinda.

"Kinakampihan mo pa 'yan! Mas matagal tayong magkakilala!" Sigaw ni Belinda.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon