Eight

49.4K 1.4K 537
                                    

According to my phone screen, it's now 11 in the morning.

Hindi ako masyadong inimik ni Kai ng makabalik galing sa beach.

Basta, umakyat lang siya at dumiretso sa office niya.

When I checked my phone, may tatlo siyang missed calls. Kabado ako, baka importante, baka may ipapagawa siya?

Tiningnan ko din ang phone na binigay niya kagabi at pati 'yon ay may dalawang missed calls niya, other than him, wala ng ibang tumawag.

Dapat pala itinuon ko nalang ang atensyon ko sa trabaho dito, baka may ipapagawa siya, mas inuna ko pa ang paglilibot.

Bumaba ako para pumunta sa kusina, nadatnan ko doon ang cook ni Kai, isa siyang may edad na babae.

"Good morning po!" Bati ko.

Binalingan ako nito at biglang ngumiti.

"Oh hija, anong kailangan mo?" Aniya sa maamong boses.

"Nay saan po ito ilalagay?" Nakita ko ang isang batang babae na may hawak na gulay na nakalagay sa isang tray.

Tantya ko'y nasa walong taon ito.

Maputi ang balat nito at kulay brown ang kulay ng kanyang mga mata, mahaba ang pinaghalong brown at itim niyang buhok.

"Iinom lang po sana ako ng malamig na tubig," Sabi ko at binalingan ang bata. "Hello! Anong pangalan mo?" Nakangiting sabi ko.

Ngumiti din ang bata sa'kin.

"Katie po," nahihiyang sagot nito.

"Katie? Ang cute naman ng name mo!"

"Naku, hija mabuti at nakauwi ka na, kanina pa hindi mapakali si Kai, hinahanap ka sa'min eh hindi naman namin alam kung nasa'n ka,"

"Dyan lang naman po ako sa beach nanggaling kasama sila Annette,"

"Si Tita Annette po?" Sabat ng bata.

Tumango ako sa kanya.

"Kilala mo?"

She nodded. "Opo, pamangkin niya po ako," Aniya.

"Naku, doon ka na Katie, hindi maganda ang nakikiusyoso sa usapan ng mga matatanda,"

"Hindi po, ayos lang," sabi ko.

Nakipagkwentuhan ako sa kanilang dalawa, siya pala si Aling Vera, matagal na silang cook ng pamilya Hiddleston dito sa San Andres, nakatira sila sa malapit na bayan dito at magkakatabi lang daw ang bahay nila ni Roberta at Eddie.

Apo niya si Katie at anak niya naman si Annette.

According to Aling Vera, the Hiddleston brothers grew up in a beach sorroundings here in San Andres, they adore the ocean, they love to swim, scuba diving and all kinds of oceans activities. Paborito daw nila ang magstay sa rest house dito sa San Andres nung kabataan, natigil nalang nung nag-manage na ng business nila sa manila.

Tinulungan ko siya sa pagluluto ng menudo at chopsuey kahit na pilit niya akong tinatanggihan, kinulit ko pa din since wala naman akong gagawin at nang matapos ay tsaka ako umakyat para katukin si Kai, nakahanda na kasi ang tanghalian.

"Come in," I heard his low yet scary voice after three knocks.

Pagkapasok ay nadatnan ko siyang may itinitipa sa kanyang laptop, sobrang seryoso niya lang na nakatutok doon.

Nahihiya tuloy ako na istorbohin siya.

"Kai, handa na ang tanghalian, kung may trabaho kang ipapagawa, ako na muna dyan at kumain ka na sa baba,"

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon