Fourteen

49.2K 1.2K 329
                                    

Bumaba kaagad ako ng sasakyan niya pagkadating sa rest house. I didn't even glance at him. Nagmadali akong umakyat sa guest room at nagkulong doon. Gustong-gusto ko muna siyang iwasan para makapag-isip isip. Masyado siyang padalos-dalos, baka nabibigla lang siya dahil ako lang ang kasama niya sa rest house dito sa San Andres?

Paano na ako makakapagtrabaho ng maayos nito ngayon dito? Ngayong sobrang awkward na ng hangin sa pagitan naming dalawa. I sighed heavily. Humiga ako sa kama at sinubsob ang sarili doon. Feeling ko pagod na pagod ako!

Lumipas ang tanghalian at napagdesisyunan kong bumaba na. Hindi ako kinatok ni Kai kaya naman kusa nalang akong bumaba. Galit ba siya sa'kin? Pababa na ako nang magulat ako dahil nakasalubong ko siya sa hagdan.  Paakyat siya samantalang pababa ako. Both of us stop halfway of the stairwell. Nagkatinginan kami pero kaagad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko kaya! Ayoko siyang tingnan sa mata!

This is so fucking awkward! Gusto kong kainin nalang ako ng lupa. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya! Sumulyap ako sa kanya at nakita na palapit siya sa'kin. Doble-doble ang kaba ko.

Akala ko'y lalapitan niya ako 'yun pala ay lalagpasan niya ako. Akala ko may sasabihin siya but he didn't say a word. Bakit parang na-dissapoint pa ako? Marahil ay galit nga siya sa'kin.

Nilingon ko siya at nakitang dire-diretso ang lakad niya papunta siguro sa kanyang kwarto. I released a deep breath. I feel so guilty for not believing in his confession pero hindi niya ako masisisi dahil pinoproktektahan ko lang naman ang sarili ko. Mas maigi nang hindi ma-involve sa kanya kaysa naman magsisi at masaktan ako sa huli.

Kumain ako ng tanghalian at hanggang sa dinner ay gano'n padin ang eksena namin. Kakain ako kung kailan tapos na siyang kumain. This is hard. Hindi ito ang nakasanayan ko sa kanya. Pero ba't kasi sinanay ko ang sarili ko? Dapat masanay na ako na wala siya. Sa breakfast, lunch at dinner. Ito naman ang gusto ko, anyway. Ba't ako magrereklamo?

Kinabukasan, monday, it's time to work. Maaga akong naligo at nagbihis. Fixing his schedule here, mayro'n siyang dalawang ka-meeting with his exclusive client in his project here in San Andres together with the investor. I was wearing a deep-v-neck longsleeve partner with a pencil skirt and black stiletto. His meeting is scheduled for 9:00 AM.

Lumabas na ako ng kwarto. Nilakasan ko nalang ang loob ko. Hindi ko kailangang mag-emote sapagkat may trabaho pa. I can't spend the entire day locked up inside the guest room. Bumaba ako at napansing wala pa siya doon. Usually naman nauuna siya pero baka nag-aasikaso pa. I texted him naman kagabi before I go to sleep na may meeting siya, 9 AM. Maybe nasa kwarto o office pa siya.

Ayoko siyang katukin sa taas kaya tinawagan ko siya using the provided phone.

"Yes?" He answered in a bedroom voice.

Kaagad na kumunot ang noo ko sa tono ng boses niya. Was he still in bed right now? Chineck ko ang time at nakitang 8:15 AM na.

"Y-you have a meeting by 9 AM with your client and investor,"

I heard his deep sighed. Ba't parang nase-sense ko na wala siya sa mood?

"Tell them we have to cancel today," he suddenly said in a cold tone.

Natulala ako at nagulat sa sagot niya.

"H-huh? Bakit anong—"

He cut me off. "I'll see them tomorrow,"

"P-pero—"

He suddenly ended the call. What the fuck. Ganito ba siya kagalit para i-cancel ang meeting niya? Bumalik nalang ako sa kwarto para magpalit nalang ng simpleng sando at short shorts. Tinawagan ko ang dapat tawagan para sabihing cancel na ang meeting at nang magtanong sila kung bakit ay sinabi ko nalang na walang specific na reason na sinabi ang boss ko. Basta bukas ay tuloy na ang meeting.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon