Sixteen

51K 1.3K 1K
                                    

Today is wednesday at araw ng malaking event dito sa bayan ng San Andres, puro mga bigating businessman ang dadalo, 'yan lang ang pagkakaabalahan ko sa ngayon, wala namang ibang trabahong ibinigay sa'kin si Kai.

Breakfast at pagbaba ko'y nando'n si Kai sa kitchen, nagtitimpla siya ng kape for us, nakita ko kasi na dalawang tasa ang nasa countertop.

Just wow! Hindi na siya galit sa'kin?

Tahimik akong naupo sa hapag, bumaling siya sa'kin, seryoso pero lumambot ang ekspresyon ng makita ako. Dahil sa sinabi niya kagabi ay nahirapan akong makatulog. Hindi daw siya nagsisinungaling sa'kin? Totoo kaya?

"Coffee?" He asked.

Tumango lang ako, nagtitimpla na nga siya para sa'min, magtatanong pa! Nang natapos siyang magtimpla ay kaagad siyang umupo sa harapan ko at nagsimula na din kaming kumain, tahimik lang parehas tila nagpapakiramdaman.

"Bibisita ako sa warehouse. Gusto mong sumama?" He asked me seriously breaking the silence between us.

Talaga ngang kinakausap niya na ako. Hindi na siya galit sa'kin! Mabilis ko siyang tinanguan, bakas ang mangha sa aking mukha.

"I'm your secretary Kai, there's no way na hindi ako sasama sa'yo," I said so matter of factly.

He released a sexy smile. Nagulat ako do'n dahil parang okay na ulit siya, ngingiti-ngiti na. Para bang walang nangyaring hindi pagpansinan sa'ming dalawa.

"Right, your mine," He said, grinning.

"Secretary," pagtatama ko.

Muntikan pa akong mapairap pero nagpigil. Nagpatuloy nalang kami sa pagkain.

"Mukhang wala ang kababata mo, hindi ba siya bibisita ngayon?" Kaswal na tanong ko.

Nang balingan ko siya ay nakamasid siya sa'kin, tila binabasa ako. Wala ba silang bonding ni Belinda ngayon?

"Hindi ko naman inaabangan ang pagpunta niya," may multo ng ngiti sa kanyang labi.

Tumaas ang isang kilay ko. Talaga lang huh? Naalala ko na naman tuloy ang naabutan kong scene sa kitchen no'ng may sakit siya. 

"Sinabihan ko na siya na huwag na munang pumunta dito," dugtong niya.

"Bakit naman pinipigilan mo?"

"Because I want to focus on you Natasha Skye. Ayokong may ibang babae dito, iba kasi ang iniisip mo,"

Sumeryoso bigla ang mukha niya habang nakatitig sa'kin. Yumuko ako, pakiramdam ko namumula ako sa unang sinabi niya. He wants to focus on me? Bakit niya 'yon gagawin? Amo ko siya at empleyado lang naman ako dito, ako nga ang dapat magfocus sa kanya at sa trabaho e.

"Alam ko namang hindi ka kumbinsido sa'kin kahit na sinabi kong gusto kita. Hindi din naman kita pipiliting maniwala agad.  Hayaan mo lang ako sa mga gusto kong gawin Skye,"

Hindi ako nakapagsalita. Bumilis ang tibok ng aking puso. No way! Ilang araw palang kaming magkasama kaya paano siya magkakagusto sa'kin?

"You know how to ride horses?" Tanong ni Kai ng makalabas ako ng rest house at makalapit sa kanya.

Nag-aabang siya sa'kin sa labas, nakasuot siya ng simpleng t-shirt at faded jeans at nakasapatos. Ako naman ay naka-dress na above the knee ang haba, ipinusod ko din ang aking buhok. Umiling ako. Never pa ako nakasakay ng kabayo.

"Hindi bakit?"

Huwag niyang sabihing mangangabayo kami?

"Malapit sa warehouse ang private ranch namin. Pwede tayong mangabayo papunta sa warehouse,"

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon