Forty One

40.1K 1K 441
                                    

Note: I don't know but I feel like listening to johnoy danao ikaw at ako song while reading this chap. Ako lang ba? Hehe.

Anyways, sana suportahan niyo rin yung story ni Calvin, yung kuya ni Skye, siya yung susunod sa secretary series. Hulaan niyo nalang muna kung sino yung girl niya, char! Ilang beses 'yon nabanggit dito hahahahahaha!

Happy reading! Please walang iwanan. Hanggang dulo nitong story subaybayan niyo 🥺😭❤

*****

That day nagpaalam ako kay Sir Tristan na mag-u-undertime. Pinayagan niya ulit ako kaya naman dumiretso na ako sa penthouse ni Kai pauwi. Parehas na kaming may access dito. Medyo basa ako kaya lamig na lamig sa loob ng taxi.

Five ng hapon ng makareceived ako ng tawag kay Kai. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako kaya naman uminom kaagad ako ng gamot. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang pakikipagkita sa mama niya kanina.

"Love wala ka sa office niyo?" He asked curiously.

"W-wala Love. Nag-undertime ako kasi masama pakiramdam,"

Kapag nalaman niya ay malamang mag-aaway lang sila ng mama niya kaya mas mabuti sigurong sarilinin ko nalang 'yon.

"Youre sick? Kailan pa? Mula kaninang umaga pa ba Love?" He sounded worried.

"Hindi. Ngayon lang. Where are you? Pauwi ka na ba?"

Binalot ko ang sarili ng comforter, naiisip ko parin hanggang ngayon ang pagpapahiya sa'kin ng mama niya.

"Pauwi na Love. Punta tayong ospital. You need to see a doctor,"

Sa hindi malamang dahilan may tumulong luha sa mata ko. I don't know why I'm being so emotional today, siguro kasi malapit na ang period ko. Tapos sobrang caring pa ni Kai, ayaw na ayaw niya talagang nagkakasakit ako. Once na magkasakit ka gusto niya laging magpacheck sa doctor. Minsan nananalo ako na huwag na pero minsan hindi ka mananalo sa kanya.

"Sinat lang 'to Love, madadaan sa biogesic," dinugtungan ko ng mahinang tawa.

I wiped my tears using the back of my hand. Tinuloy-tuloy ko nalang ang tawa ko. I shouldn't feel insecure, I shouldn't be sad, dadating ang panahon at magiging maayos din ang lahat.

"No. Tatawagan ko si Vivian para mapuntahan ka nalang d'yan kung hindi mo kayang magpunta sa ospital,"

Tinutukoy niya ay ang kanyang pinsan na doctor. Ilang beses ko nang na-meet si Vivian, minsan sadyang siya ang nagpupunta sa'kin kapag may sakit ako. Talagang sakitin kasi ako kapag nilalamig ng husto.

Hindi nalaman ni Kai ang nangyaring pagkikita namin ng mama niya. Hindi ko sinabi, ayokong magalit siya, ayokong mag-away sila ng mama niya.

It's been a week after that incident happened. Akala ko hindi na ako guguluhin ni Tita pero nagkamali ako. Tinawagan niya ulit ako ng oras ng aking trabaho, inuutusan na naman ako na bilhan siya ng isang mamahaling LV bag para sa amiga niya, birthday daw.

Halos mapamura ako sa isip ko habang kausap siya. This old bossy woman keeps on bugging me!

"Tita I can't po, nasa trabaho ako-"

"Don't give me reasons. Ang kailangan ko 'yung bag and kapag hindi mo sinunod ang utos ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"

Parang napigtas ang pasensya na kanina ko pa pinipigilan. She's so childish! "Hindi nga ho ako pwede dahil may trabaho ako! Hindi ho ba kayo makaintindi?!" Tumaas ang tono ng boses ko.

If she want's my respect then she need to stop being so disrespectful to me. I'm working, buti sana kung day off ko, eh! Pero kahit na, wala siyang karapatang utus-utusan ako at magdemand ng kung ano-ano sa'kin. Mayaman sila, I'm sure marami siyang pwedeng mautusan bukod sa'kin. Her bodyguard, maids, PA! Damn! Naiinis na talaga ako sa kanya.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon