Twenty Three

46.9K 1.1K 167
                                    

We just went to a nearby mall. Tuwang tuwa si Katie dahil pangatlong beses niya palang daw na makakapunta dito sa malapit na mall sa San Andres.

"Ate Skye alam mo po ba na kamag-anak ni Kuya Kai ang may-ari nitong mall!" Ani ni Katie.

Kasalukuyan kaming nasa grocery, namimili nang mga foods para kay Katie pati na'rin ang paborito niyang ice cream.

Natapos namin siyang dalhin sa isang arcade dito, naglaro kami ng nakitang mga games doon. Tuwang-tuwa si Katie, 'yon ang mahalaga sa'min, ang maging masaya ang bata kaya worth it ang pamamasyal namin.

Binilhan ko din siya ng ilang mga damit. Teddy bear at siyempre hindi nawala ang barbie na paborito niya.

Binalingan ko si Katie, kasalukuyan kaming nasa ice cream section. Kumukuha kami ng paboritong flavor niya, si Kai ay may kausap sa cellphone, he's nowhere to be found, baka nasa labas nitong grocery store.

"Talaga? Sino? Anong name?"

"Nakalimutan ko po basta kamag-anak po ni Kuya Kai sabi nila Tita Annette,"

Nako, sa daldal ni Annette ay nahahawa sa kanya ang bata! Natawa tuloy ako at hindi mapigilang pisilin ang pisngi ng bata.

After sa grocery ay kumain kami sa isang restaurant, malapit lang din sa mall. Kai as usual hindi nabakante ang phone sa mga incoming calls. He's really a very busy person today.

Kahit sunday ngayon ay tambak ang tumatawag sa kanya.

He sighed when he finally hung up on the recent call.

"Kain na," sabi ko sa kanya.

He just smile at me then started eating. Our sunday went smooth, after maggala ay hinatid namin si Katie kay nila Annette. After no'n ay nagpahinga ako sa rest house, masakit pa din kasi ang ulo ko at parang gusto pa ng katawan ko ng tulog kaya 'yon ang ginawa ko maghapon.

Kinagabihan ay kumatok si Kai sa aking kwarto, nagbo-blow dry ako ng buhok sa harap ng vanity mirror, nagbabalak ng matulog. I was wearing my usual lingerie dress.

Ano naman kaya ang kailangan niya?

Pinagbuksan ko siya at nakita ang seryoso niyang mukha. Nakasuot siya ng pormal na itim na polo shirt at dark jeans. Pagod ang itsura at mukhang antok na. Bakit siya nakabihis d'yan?

"Anong meron?" Kuryosong tanong ko.

He sighed heavily.

"Mapapaaga ang meeting Skye, I need to go now. Okay ka lang ba dito?" He seriously said.

Pumasok siya sa guest room at umupo sa edge ng aking kama. Isinara ko ang pinto at nilapitan siya. Akala ko bukas pa ang alis niya, ngayon na pala. Well, babalik naman siya sa tuesday kaya walang problema.

"Oo naman, ayos lang ako dito," sagot ko.

I game him a reasssuring smile. He sighed again. Hinapit niya ang baywang ko habang nakatingala sa'kin.

"Iiwanan kita ditong.. mag-isa.." namamaos na sinabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hinawakan ko ang ilang hibla ng kanyang buhok, bahagyang inaayos 'yon.

"'Yon naman ang usapan 'di ba?"

May kuryente naman kaya hindi ako matatakot dito kung nag-iisa.

"May mga bodyguards na magbabantay sa'yo sa labas," he seriously said.

Bahagya niyang hinihimas-himas ang aking baywang. Aalis nalang ay paiinitin pa ang katawan ko!

"Bakit hindi ba safe dito?" Tanong ko.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon