Eleven

48.2K 1.3K 613
                                    

Isang oras na mula ng hinabol ni Kai si Belinda pero hindi parin siya nakakabalik. Saan ba nakatira si Belinda? Malapit lang ba dito sa rest house?

Umuulan ng malakas kaya umalis na ako sa terrace kasi mababasa ako, dito ako pumunta para sana tingnan kung pabalik na si Kai pero umulan nalang at lahat wala parin siya.

Hindi ako mapakali, masyado ba akong naging harsh kay Belinda? Baka magalit sa'kin si Kai dahil sa inasal ko. Mukhang concern na concern siya sa kababata the way na tawagin niya ang pangalan nito kanina.

Medyo malamig kaya kumuha ako ng balabal at nagdesisyong bumaba para doon na hintayin si Kai, manonood nalang ako ng tv sa salas.

Ilang minuto na 'kong nanonood pero parang wala namang pumapasok sa utak ko, hindi ko maintindihan ang kwento.

I was watching The abduction of Lisa Mcvey on netflix, sabi'y maganda daw 'to dahil matalino ang babaeng nadukot.

Pero kalahating oras sa panonood ay wala akong naintindihan kaya pinatay ko nalang ang tv.

Hindi ako makapag-focus dahil iniisip si Kai, kamusta ba siya do'n? Nagkaayos ba sila ni Belinda? Napatahan niya ba ito?

I heaved a deep sighed.

I was fucking worried about him! Paano kung pauwi na siya't walang dalang payong? Pero imposible, siguro'y padadalhan 'yon ni Belinda.

Two thirty na kaya lumabas ako ng rest house para sumilip sa labas, ibinalot ko ang sarili sa makapal na balabal dahil sa lamig kahit na hindi ito sapat para mapainit ang katawan ko.

Bumuntong hininga ako ng tanging pagbagsak ng ulan lang ang nakita sa labas ng rest house.

Wala pa si Kai. Hihintayin ko nalang siya dito.

Umupo muna ako sa hagdanan, hindi naman ito basa dahil sa bubong at wala rin namang anggi ng ulan.

Mahigit kalahating oras siguro ako na nakaupo doon pero wala parin si Kai kaya nagdesisyon akong tumayo na at umakyat nalang sa kwarto.

Matutulog nalang siguro ako.

I was about to took a nap when I heard a loud thunderstorm. Sa sobrang lakas nito ay nagulat ako, pakiramdam ko ay sobrang lapit ng kidlat at natakot na maaring tamaan ang rest house.

Paano ako dito sa loob?

Kinakabahan ako at takot na takot sabayan pa na biglang namatay ang mga ilaw. Nawalan ng kuryente, shit! Dumilim ang buong rest house, medyo madilim din sa labas dahil sa malakas na pag-ulan kaya sa loob ng rest house ay parang gabi na.

Nagtuloy-tuloy ang malalakas na kulog kaya napababa ulit ako.

Pauwi na ba si Kai? Worried lang ako sa kanya. Baka na-stuck na siya sa kung saan. Sana makauwi na siya.

Umiling-iling ako. Huwag na pala muna siyang umuwi dahil makulog, baka mapano pa siya sa daan.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, medyo may kadiliman din dito, gumamit nalang ako ng flashlight using my phone.

I can't watch tv, I can't sleep, I'm worried about him and I am fucking alone here!

Naging nakakatakot ang rest house sa paningin ko dahil sa ito'y walang mga ilaw. Pakiramdam ko nasa isang horror film ako!

Pumunta ako sa sofa at nagcellphone nalang but fuck! Walang signal.

It's already quarter to four, malakas parin ang ulan, mukhang galit na galit ang langit.

Naisip ko ang mga ahas, baboy ramo at galang aso na nabanggit ni Kai. I looked around to see kung may ahas sa paligid - Oh, my gosh! I'm so dumb! Bakit magkakaahas sa loob ng bahay? Natawa ako sa kawirduhan ko.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon