Six

51.7K 1.4K 1K
                                    

Nagpalit ako ng damit dahil medyo nabasa ang dress ko sa paghuhugas ng plato, it always happened to me, anyway, walang bago.

Simpleng puting t-shirt at short shorts lang ang sinuot ko. Nagsuklay at nag-ayos ng kaonti bago lumabas para puntahan siya sa kanyang office.

Sabi niya may office siya dito sa taas pero hindi niya itinuro kung saan, manghuhula pa ako sa lagay.

Okay, so yung guest room na gamit ko ay may katabing kwarto at yung katabing kwarto ay may katapat na kwarto.

Which one is his office?

Tumapat ako sa magkatapat na room. I look from my left to right, paulit-ulit ko 'yong ginawa habang iniisip kung anong dapat kong pasukin.

I chose to knock on the left side room at saktong pakatok na 'ko nang lumabas siya sa right side room.

Mabuti naman!

"I-I was about to knock here, hindi ko kasi alam where exactly is your office,"

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, he's topless for godsake!

Tanging itim na sweat pants lang ang suot niya.

Napalunok ako. Malaki ang katawan niya at mas lalong nadepina ang kalakihan ng katawan niya ngayong nakahubad siya.

Mayroon siyang hindi ko mabilang na abs, five, six, seven, eight packs?

Ang hawak niyang itim na t-shirt ay isinuot niya sa kanya kaya naman napaangat ang tingin ko sa mukha niya.

He has a fucking playful smirk on his lips and shit! Parang tumigil ang paligid ko dahil this is the first time na makita ko siyang nakangiti.

Kahit mapang-asar pa 'yon, ngayon ko lang nakita ang pag-iiba ng emosyon sa mukha niya.

He always has this dark aura, scary face, ruthless vibe, tapos ngayon ganito!

"What?" He asked raising an eyebrow.

Nakangisi pa din siya, hindi ko alam kung bakit? Siguro napansin niya ang paninitig ko!

"N-nasa'n nga ang o-office mo?" Yumuko ako at pinaglaruan nalang ang mga daliri ko.

I felt a little embarassed sa pagkakahuli niya sa harap-harapang paninitig ko! I was checking his out and he saw it!

Damn, you Natasha Skye!

"Nasa tamang kwarto ka lang," from his playful smirk, napalitan ito ng seryosong mukha.

Napaatras ako dahil naglakad siya palapit sa'kin.

Hanggang sa mapasandal na ako sa pintuan ng opisina niya.

Sobra akong ninenerbyos at nagdadasal na sana tigilan niya ito. Hindi ko na nga kinakaya ang intensidad ng kanyang titig, paglapit niya pa kaya?

Lumapit pa siya hanggang sa isang inches nalang ang layo namin, nakayuko ako at hindi makatingin sa kanya.

He's enjoying this, I know, dahil bago ako yumuko ay kita ko na naman ang pagbalik ng ngisi niya.

Narinig ko ang pagpihit niya sa doorknub at naramdaman ang pag-awang ng pintuan, napaatras ako at kung hindi niya pa pinigilan ang tuluyang pagbukas ng pinto ay baka natumba na ako dito.

"Relax," He whispered in a raspy voice, ramdam ko ang hininga niya na kumiliti sa aking balat sa sobrang lapit niya sa'kin, halos mapapikit ako.

Nang makabalanse ay tumayo ako ng maayos kaya binuksan niya na ng malaki ang pintuan.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon