Thirthy Two

45K 988 248
                                    

Tahimik kaming kumain, paminsan-minsan ay sumusulyap sa amin ni Kai si Mommy, samantalang si Daddy at Kuya Calvin ay seryoso lamang sa kanilang pagkain.

"Gaano na kayo katagal anak?" Usisa ni Mommy.

I smiled at her dahil sa wakas ay nagtanong na rin siya.

"He courted me for three months Mom at kakasagot ko lang sa kanya just two weeks ago," Sagot ko.

"Ah, bago palang.." makahulugang sinabi ni Mommy habang tumatango.

"Seryoso ka ba sa anak namin hijo?" Tanong pa ni Mommy kay Kai, nakatingin na siya dito ngayon.

Bumaling ako kay Kai at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.

"Yes, madame. Mahal ko po ang anak niyo,"

Hindi ko mapigilang kiligin at lalong mahulog pa kay Kai. I'm really doom! Big time!

"Kung gano'n maipaglalaban mo ba siya?" Makahulugan pang tanong ni Mommy na ikinagulat ko.

Nagtataka akong bumaling kay Mommy. Maipaglaban saan? Kanino? Sa kanila ba na magulang ko? Bakit pa? Eh, mukha namang okay sa kanila si Kai.

"Mom.." saway ko.

"Opo, Madame," si Kai.

"Maaga pa para masabi 'yan," si Daddy naman. "Ayaw lang namin na mahirapan at masaktan ang anak namin,"

"Dad, nag-usap na kami ni Kai," si Kuya Calvin naman.

Nagpasalit-salit lang ang tingin ko sa kanila, nagtataka, kinakabahan.

"Tama si Thomas, masyado pang maaga para masabing maipaglalaban mo ang anak namin. We just want to protect her heart in the same way you do dahil kilala mo naman siguro ang magulang mo hijo.."

Hindi ko na matiis at gusto ng sumingit pero nagsalita si Kai.

"Gagawin ko ho ang lahat para kay Skye. Wala hong makakapaghiwalay sa'min kahit na magulang ko pa,"

And there, I assume, mahigpit at malupit ang magulang niya kaya siguro ganito ang kanilang usapan. Pero bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko 'to narinig sa iba? Bakit ngayon pa? Kung kailang takot na ako na mawala sa'kin si Kai? Sana noon ko pa nalaman, sana..

My family exchanged eye contact, mabibilis na tinginan at hindi nagsasalita but I'm sure some message had passed with them without even having to speak. They all turned to Kai after exchanging eye contact.

"We're happy to hear that hijo.." si Mommy, pero parang hindi kontento sa narinig.

Ito ba 'yong sinasabi ni Kuya Calvin na background check about kay Kai? Ang pamilya niya?

Nabigla siguro ako sa nalaman kaya nagpaalam sa kanila para mag-cr na muna. I just want to breath. How come I didn't know this? Paano kung totoong malupit ang magulang niya? Paano ako? Paano kami? Baka sila ang tumutol sa relasyon namin, ngayong hindi naman ako gano'n kayaman. Nagiging paranoid tuloy ako! Paano kung paghiwalayin kami? Kakayanin ko ba? Ewan, ilang buwan palang naman kaming magkakilala ni Kai. Hindi ko alam, naguguluhan ako.

Pabalik na ako sa dining area ng marinig ang pag-uusap nila.

"How's your brother? Balita ko'y hindi niya na kasama ang ina ng anak niya," Boses ni Mommy.

I eavesdrop for a while, curious sa kung anong pinag-uusapan nila.

"My, baka dumating si Skye.." boses ni Kuya Calvin.

Naalarma ako ng marinig ang pangalan ko. Bakit naman hindi ko 'to pwedeng marinig? Bakit tinatanong nila si Kai ng gan'yan? Brother? Ang kuya niya ay hindi na kasama ang ina ng anak niyang si... Catalina? Bakit?

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon