Nineteen

50.7K 1.3K 447
                                    

Hindi ako nakapagsalita sa tanong niya. Naramdaman ko nalang na tumigil siya sa paghalik at unti-unting ipinahinga ang mukha sa aking balikat.

I like you, Kai. Ang simple lang naman pero bakit nahihirapan akong sabihin?

Naging tahimik siya at maya-maya'y pinakawalan din ako.

"Pupunta tayo sa Nayagara Falls after mo d'yan," ani niya pagkatapos ay iniwanan na ako.

Halos tulala akong naiwan. Bakit naman hindi ko masabi? Natatakot pa ba ako? Ayaw magtiwala? Pero kagabi lang, halos hilingin ko sa kanya ang isang bagay, desperada. Tapos ngayon simpleng sagot na gusto ko siya ay hindi ko pa masabi.

I released a heavy breath. Konting panahon pa siguro. Ayoko nalang munang pilitin ang sarili kong umamin.

Nagsuot lang ako ng simpleng short at white v-neck shirt, sinuot ko na kaagad ng itim na swimsuit sa loob. Para pagdating sa falls ay ready na. Nagbaon nalang din ako ng extra shirt, incase lang na kailangan.

Pagbaba ko ay nando'n na si Kai. Nagsalubong ang tingin namin at nakita kong may kakaiba doon, parang, matamlay.

He smile at me, pero alam kong pilit. Dahil ba hindi ko nasagot ang tanong niya kanina?

"Let's go," aniya at umuna na palabas ng rest house.

Tahimik siya habang nagmamaneho, ganoon din ako. Binalingan ko siya, seryoso lang siyang nakatingin sa daan.

"Mangangabayo ba ulit tayo papuntang falls?" Basag ko sa katahimikan.

Binalingan niya ako. "Gusto mo?" Seryosong tanong niya.

Napalunok ako. Tinatanong niya ako kung gusto ko? Paano kung gusto ko nga? Tapos paano kung ayaw niya? Pagbibigyan niya ba ako? Hmm, let's try!

Tumango ako at nginitian siya. "Oo, pwede ba?"

"Of course,"

I giggled. Hindi ko alam kung bakit! Napakaliit na bagay ay kinatutuwaan ko!

"Joke lang Kai, kung ayaw mo naman okay lang na huwag na," sabi ko pa ng natatawa.

Kumunot ang noo niya. "What's with the laugh? At gusto ko Skye kaya mangangabayo tayo,"

Bumalik ang tingin niya sa daan. Seryoso na muli.

"Wala naman, natutuwa lang ako sa'yo kasi pumayag ka kahit parang, wala ka sa.. mood.."

Binalingan niya ulit ako.

"Wala sa mood? I'm always in the mood when it comes to you,"

Nakagat ko ang aking lower lip sa sinabi niya. Tila ba kinikilig ako sa narinig! Bolero! Samantalang parang ang tamlay niya kanina!

Nakarating kami sa private ranch nila. Hala, tinotoo niya nga talaga!

"Kai sabi ko nga na okay lang kung hindi na mangabayo," madrama kong sinabi.

"If you want to ride a horse, we'll ride,"

Lumabas na siya sa driver's seat, umikot at pinagbuksan ako ng pinto. Tinitigan ko lang siya na nakatayo doon habang hawak ang pintuan ng sasakyan.

"Come on, Skye,"

Yumuko siya para tanggalin ang seatbelt ko. Nagulat ako sa ginawa niya at kinabahan sa sobrang lapit niya sa'kin. Nang matanggal niya ay hindi pa rin siya lumayo, tinitigan niya lang ako, bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"O-oo n-na!" Mahinang nasabi ko, napressure sa sobrang lapit niya.

"Labas na," maamong utos niya.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon