Seventeen

51K 1.3K 472
                                    

Nakabalik kami sa rest house, panay ang sulyap at ngiti ni Kai sa akin. Mukha siyang tanga! Bakit kasi nasabi kong naniniwala na ako na gusto niya talaga ako?

Sabagay, hindi naman ako mahuhulog sa kanya. 'Di ba nga? I promise myself na hindi ako mai-involve sa playboy na 'yon. Oo, aaminin ko medyo gusto ko siya. Slight lang naman! Pero hanggang do'n nalang 'yon at hindi na 'yon lalalim pa!

Sige sabihin na natin na wala siyang girlfriend at tanging pamangkin niya lang ang nakakausap, pero nand'yan si Belinda? Anytime tatanggapin siya nito kapag ginusto nang pumunta ni Kai sa kanya. Tapos pa'no ako 'di ba? Kung sakaling magiging kami ni Kai at mapagsawaan ako?

He likes me but I don't trust him.

Sabi ko nga he's dangerous for my heart, para siyang isang bisyo na kailangang iwasan bago pa tuluyang maadik.

Lunch time, after kumain ay nasa office niya kami. Nasa harap niya ang isang laptop, minsan ay sasagot siya ng tawag.

Nakaupo ako sa isang round table. May laptop din ako sa harapan, nagtatanong ako ng pwedeng gagawing trabaho sa kanya.

"I told you walang trabaho Skye," He eyed me with his bored face.

Nakatitig siya sa'kin habang nakatukod ang siko sa lamesa at naglalaro sa labi ang daliri, bahagya siyang nakasandal sa kanyang swivel chair.

I glared at him.

"Ano pang ginagawa ko dito kung gano'n? Pumunta lang ba ako dito para magbakasyon?" Irita kong sinabi.

"Nandito ka para i-entertain ako," he smirked.

"Kai, please, stop playing around, I'm serious here," I pouted.

Sumeryoso bigla ang mukha niya.

"Fine, come here," ani niya sa seryosong boses.

Mabuti naman at magseseryoso na siya para naman matulungan ko siya sa trabaho. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakamasid siya sa akin habang palapit ako, tila tuwang-tuwa na sumunod ako sa sinabi niya. Tumigil ako sa harap ng kanyang lamesa.

"Now, give me a task,"

"Come closer first," hindi siya gumagalaw at nakasandal parin sa kanyang swivel chair.

Kumunot ang noo ko. Ga'no ba kaclose ang gusto niya?

"Para saan? Ibigay mo nalang sa'kin ngayon, dito, nasa flash drive ba? May mga file ba akong kailangang i-check?"

Hindi ko alam kung bakit ayoko siyang lapitan. May isang pilyong ngiti na sa kanyang labi ngayon.

"Hindi naman ako mangangagat Skye, ba't ayaw mong lumapit?"

I narrowed my eyes at him. Sasakalin ko talaga siya kapag may ginawa siyang hindi maganda.

Lumapit nalang ako at tumigil sa gilid niya. Nakaharap ako ngayon sa laptop niya na wala namang naka-open na kahit anong file, tanging wallpaper niyang sunset ang makikita.

"Nasa'n ang tatrabahuhin ko?" I seriously asked.

Pumangalumbaba siya at humarap sa'kin, umikot ng kaonti ang swivel chair paharap sa'kin.

He stared at my body, nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa katawan ko. Maikli ang dress na suot ko at tumigil sa aking legs ang tingin niya, paakyat sa dibdib ko bago nakarating sa mukha.

Pinamulahan ako sa ginawa niya. Ito na naman 'yong pakiramdam na parang may namumuong init sa loob ng katawan ko.

I may be a virgin pero alam ko naman kung anong ipinahihiwatig niya sa tingin niya.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon