Twenty Five

47.5K 1K 338
                                    

Ilang minuto siguro kaming nagtalo ni Kai na hindi siya dapat magstay dito ngayong gabi. Dapat ay sa mansion nila dahil may hinandang family dinner ang kanyang Mama, buo ang kanilang pamilya at magsasalo-salo.

Kung hindi pa tumawag ang Mama niya ay hindi pa siya tuluyang aalis sa condo ko.

Ginawaran niya ako ng isang malalim na halik bago umalis.

Alas tres ng hapon ng makareceived ako ng text galing kay Kai. Kakagising ko lang galing sa idlip, balak kong mag-ayos ng mga gamit at mga pasalubong and souvenirs na nabili ko sa San Andres.

From Kai:

What are you doing? Nasa mansion na ako. My Mother will be prepared dinner later. I'm looking forward to introduce you to my family.

Napangiti na lamang ako sa mensahe niya at hindi mapigilang kiligin. Sana ay mabait ang magulang niya, nagma-may-ari lang naman kasi sila ng naglalakihang kompanya sa pilipinas kaya sinong hindi mai-intimidate!

To Kai:

Mag-aayos ako ng mga gamit. Enjoy your dinner with your family. Excited na rin akong ma-meet ang family mo soon!

Binusy ko ang sarili sa pag-aayos ng gamit. I already texted Sir Tristan na rin kung papasok na ba ako bukas. Today is tuesday, at wala naman akong ibang naiisip na gawin kundi magpahinga.

Tumawag si Sir Tristan makalipas ang thirty minutes.

"Are you sure gusto mo ng pumasok bukas? Hindi mo ba need magpahinga pa kahit isang araw pa?" Aniya sa kabilang linya.

"Hindi na sir, nakapahinga na rin naman ako ngayon. Okay na kahit pumasok na ako bukas para makapagsimula na ng trabahong naiwan ko d'yan,"

"Sure Natasha, ikaw lang naman ang inaalala ko. Anyway, kamusta ang isang buwan kasama si Mikaelson? Hindi ka naman ba natrauma kasama siya?"

Natawa ako sa huling sinabi niya. Natrauma saan? Nakakatraumatize bang kasama si Kai? Well, may mga ibang bagay siyang pinaramdam sa'kin pero tingin ko'y hindi 'yon nakakatrauma, nakakaenjoy pa nga eh!

"No comment d'yan sir. Basta Kai has been good to me. Hindi naman pala gano'n kasungit!"

"Well, youre lucky you got his attention because he ignore people.. most of the time.."

Napairap ako sa sinabi niya. Siguro oo, may traits siya na hindi namamansin minsan, masungit. Pero when it comes to women who's sexy and gorgeous! Hindi niya magagawang magsungit for sure! Hindi naman siya maru-rumor na playboy if he doesn't pay attention to girls 'di ba?

"I don't agree with that sir," natatawang sinabi ko.

We ended the call. Bukas ay papasok na ako, excited na makasama ulit ang mga katrabaho ko except for.. Chesca..

"Hindi kita matawagan kanina," si Kai ng tumawag siya sa'kin ilang minuto lang after ko makausap si Sir Tristan.

Inipit ko lang sa balikat at tainga ko ang aking phone para maipagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit ko galing maleta.

"Ah, kausap ko kasi si Sir Tristan," sabi ko.

Saglit siyang natahimik pero nagsalita din kaagad.

"What did you two talked about?"

Napatigil ako sa ginagawa saglit pero kaagad ding nagpatuloy. Wala lang, nakaka-amuse lang kung sakaling nagseselos siya ngayon!

"In-informed ko siya na makakapasok na ako bukas," tipid na sagot ko.

"And?" His tone was a bit demanding.

"He told me I can rest pa pero tinanggihan ko, baka kasi tambak ang trabaho Kai," nangingiting sinabi ko.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon