Eighteen

49.4K 1.4K 670
                                    

Marami pa kaming nakausap sa event at sa sobrang dami nila ay hindi ko na matandaan ang kanilang mga pangalan. Sobrang yaman pala ng mga nakatira sa probinsya na 'to!

Palagi lang nakadikit at nakamasid sa'kin si Kai, hindi niya hinahayaan na malayo ako sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. Pero parang mas lamang pa 'yong natutuwa ako kasi alam kong sa dinami-dami ng babae dito sa event, magaganda at minsan nagpapapansin pa kay Kai ay na sa'kin parin ang atensyon niya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba 'tong maramdaman pero parang tuluyan na akong nagkakagusto ng husto sa kanya!

Gusto lang naman, e, I'm sure lilipas din 'to! Wait? Lumilipas nga ba ang pagkagusto?

Wala pang alas nuebe ay nagpasya na si Kai na umuwi na kami at para akong sunud-sunuran lang sa kanya. Hindi rin naman ako mag-eenjoy dito kung wala si Kai kaya sumang-ayon na ako sa kanya. Nagpaalam kami sa magkasintahan na si Carter at Heather bago umalis.

Pagkauwi ay dumiretso na ako guest room para magpalit at para makaligo na rin. Nakasuot ako ng itim na lingerie dress, nagpapatuyo na ng buhok sa harap ng vanity mirror sa kwarto, kakatapos ko lang maligo, pagod at gusto ng magpahinga.

Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya itinigil ko ang ginagawa at pinagbuksan ang boss ko.

Nasalubong ko ang titig niya na kaagad na bumaba sa katawan ko. Anong problema nito? Ba't kumakatok?

"My aircon's not working. I'll sleep here," seryosong sinabi niya.

Kumunot ang noo ko sa gulat at napaawang pa ang bibig ko. The hell? Anong kasinungalingan 'yon?!

"Huh? Local ba ang aircon niyo dito para hindi gumana ngayon?" Nagsususpetyang sinabi ko.

Tumaas ang isang kilay niya.

"Na-overuse Skye, please let me sleep here kahit sa couch lang,"

Sinamaan ko siya ng tingin. Seryoso pa din siya. Kapag siya lang talaga nagsisinungaling ah!

"Fine! Pero ipakita mo muna sa'kin na hindi gumagana ang aircon mo sa kwarto!"

"Sure, see it for yourself,"

Pinuntahan namin ang kwarto niya at nakompirma ko ngang hindi gumagana ang aircon. Hindi ba siya makakatulog ng walang aircon?! Kainis 'to.

"Ano? Patutulugin mo na ba ako sa kwarto mo?" Tanong niya habang problemado akong hawak ang remote ng kanyang aircon sa kanyang kwarto.

Nakasandal siya sa wall ng kanyang kwarto habang nakatitig sa'kin. Cool siyang nakacrossed arm doon, his face looks sleepy.

"Oo na Kai. You win, sana lang ay matutulog ka kaagad at wala ng iba pang gagawin!" Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Alam ko naman pagod rin siya kaya posibleng makatulog din siya kaagad tsaka sa couch naman siya matutulog, e, hindi sa tabi ko!

Sumunod siya sa'kin sa guest room, gumapang na ako sa kama dahil pagod at gusto na ngang magpahinga. Binalot ko ng comforter ang sarili ko. Nakita kong pumasok si Kai sa kwarto, tumayo lang doon at tumitig sa'kin.

"Pakipatay nalang ng ilaw," pagod na sinabi ko.

Binuksan ko ang lamp sa bedside table para 'yon ang magsisilbing ilaw namin.

"Ano bang iniisip mong ibang gagawin ko Skye?" Makahulugang tanong niya pagkatalikod para patayin ang ilaw.

Dumilim kaya nakahinga ako ng maluwag, hindi ko na masyadong makikita ang mga titig niya.

"Marami," I responded as I continue to overthink too much.

I heard his soft chuckled.

"Talaga?"

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon