Five

52.3K 1.4K 566
                                    

"Gutom na po ako sir. Ikaw po ba?"

He's starting the engine. Sinulyapan niya ako saglit at kaagad ding bumalik sa daan ang tingin.

His face was soft now, hindi na kagaya kanina na parang mainit ang ulo niya. Gusto ko nga sanang tanungin kung anong problema niya, eh. Rough day ba kahapon?

Kaso dahil sa kaba'y sinasarili ko nalang, mamaya niya'n isipin niyang tsismosa pa ako.

"Let's drop to a nearby restaurant," sabi niya.

Umiling ako at nilingon ang pagkain na tinake-out niya na nasa back seat.

"We have food, yung tinake-out mo kanina sir, this is perfectly fine,"

Kinuha ko 'yon sa backseat. Nahirapan pa ako dahil medyo malayo sa'kin, mabuti nalang at naabot ko din kaagad. Inayos ko ang medyo tumaas na skirt pagkakuha sa food.

I heard him cleared his throat.

Nang sinulyapan ko siya ay diretso ang tingin niya sa daan pero nakaigting ang panga at medyo gumagalaw ang adams apple sa paglunok.

"Ito nalang ang kakainin ko, can I just eat inside your car?"

Hindi siya tumingin sa'kin at tumango lang.

"Baka lang ayaw mo'ng mangamoy dito,"

Baka kasi sensitive siya, may mga gano'n kasi akong kilala, ayaw ng kumakain sa loob ng kanilang sasakyan, babaho daw.

"I don't mind Natasha Skye,"

Magkasalubong na ang mga kilay niya at medyo madilim ang tingin sa daan, naisip ko na baka bad mood na naman siya, baka ayaw niya sa babaeng madaldal?

I bit my lower lip para maiwasang magsalita pa.

Binuksan ko ang food na binili niya at nakitang it was a packed food for lunch, rice with steak.

May pasta pang kasama and drinks, medyo marami ito at aminadong 'di ko mauubos.

"Baka gutom ka na po sir?"

Hindi ko napigilan ang sarili sa pagtatanong, awkward naman kasi kung ako lang ang kakain.

"Just eat,"

"Paano ka sir?"

Hindi siya nagsalita. Ang moody niya talaga.

Nahirapan ako sa pagkain dahil umaandar ang sasakyan at napansin 'yon ni Mr Hiddleston kaya naman itinigil niya sa isang seaside ang sasakyan.

Wow! The view is overwhelming!

"You sure you don't want to eat at a restaurant?" He seriously asked.

Umiling ako at nginitian siya.

"Ayos na 'to," Sagot ko.

"Ayos ka na ba?"

Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko ipinahalata. Hindi ko siya tiningnan at pinagpatuloy lang ang pagkain. I don't know if it's okay to talk about my personal life with him, I'm just his secretary, substitute pa. Pero wala eh, narinig niya kasi lahat. He had seen my drama.

Tumango ako.

"I'm fine, don't worry.. it always happened to us, fights, sermon.."

Tumango siya at parang wala ng balak magsalita pa.

Natapos kumain ay nagmadali na kaming umalis. Ilang oras na biyahe pa ang hinintay bago nakarating sa isang rest house sa San Andres, ang sabi ni Sir Tristan ay pag-aari daw ito nila Mr Hiddleston.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon