Twenty Six

46.6K 1.2K 526
                                    

Naging maayos naman ang araw ko sa trabaho. Medyo busy nga lang dahil sa mga naiwanan kong trabaho dito noo , plus may mga kailangan pa akong ayusin na file na tinrabaho ni Chesca habang wala ako dito. May mga nireplyan din akong email requests na kailangang ng response.

Matapos ayusin ang schedule ni Sir Tristan para bukas at kanyang mga conference meetings ay pinuntahan ko na siya sa kanyang opisina para i-inform siya regarding doon.

Alas singko ng tumawag si Kai, nasa ibaba na daw siya. Mabuti at hindi na siya umakyat pa dahil alam kong pagpi-pyestahan na naman ako ng mga katrabaho ko.

"Uuwi nalang blooming pa! Mukhang may sundo ah?" Si Dwight, nakatayo siya malapit sa aking table, kasalukuyan akong nag-aayos na ng mga gamit ko.

"Blooming naman talaga ako Dwight kahit noon pa!" I smirked.

"Naks, sana all!"

"Natasha huwag kang makakalimot ha? Kapag naging kayo na ng manliligaw mong CEO!" Nasa likod pala si Ange at siya naman ang nang-asar ngayon.

Napairap na lamang ako bago sila iwanan doon. Nakita ko sa kanyang cubicle si Chesca, tinaasan niya lang ako ng kilay. Wala ako sa mood kaya hindi ko nalang siya papansinin. Hindi ko pa nakakalimutan ang pang-aakusa niya sa akin noon nung magkausap kami ni Sir Tristan sa tawag nang nasa San Andres. Sa ibang araw ko nalang siya guguluhin tungkol doon.

Pagkababa ay nakita ko kaagad ang itim na sedan ni Kai. Nakasandal siya doon habang nakapamulsa. Anong ginagawa niya doon? Ano siya doon model? Kailangan ganyan kapag naghihintay sa'kin! Pinagtitinginan tuloy siya ng mga babae sa labas. Halos magtilian ang mga ito.

Kaagad akong lumapit sa kanya.

"You should've waited inside you car!" Medyo inis na sinabi ko pagkalapit.

He raised an eyebrow then smirked.

"Bakit?" Maang-maangang tanong niya. Gustong-gusto pa ang spotlight na nakukuha eh!

"Pasok nalang tayo," sabi ko, ako na sana ang magbubukas ng pinto pero inunahan niya ako.

He stare at me with a playful smirk on his face. Kanina pa siya huh. Nanghahalik pa sa opisina!

"Di ba I told you ayoko ng spotlight. Dahil sa ginawa mong paghalik kanina'y pinagpyestahan ako ng mga katrabaho," sabi ko pagkapasok niya ng sasakyan.

He started the engine and started driving within speed limit.

"Sinabi mong nililigawan kita?" He asked, with amusement on his face.

"Malamang," napairap ako.

I heard his chuckled heartily. "Mabuti na rin 'yon Skye, para malaman nilang may nanliligaw na sa'yo,"

I glared at him. Sinadya niya talaga 'yon eh, no? -_-

"Oo nga, nalaman lang naman nilang nililigawan ako ng isang CEO. Hindi mo alam kung gaano 'yon ka big deal sa'kin at sa kanila,"

"I'm sorry Skye, ayaw ko lang may aaligid pang iba sa taong gusto at nililigawan ko,"

"Hindi ka pa nga sigurado kung sasagutin ka eh!" I joked, murmuring.

Naramdaman ko ang pagtitig niya sa'kin.

"May balak ka bang hindi ako sagutin? Bakit Skye? May iba bang pumoporma sa'yo sa trabaho?" Sumeryoso bigla ang mukha niya, narinig niya pala.

I bit my lower lip to hide the arising smile on my lips. Tila natutuwa ako sa pagkataranta niya.

"Eyes on the road!" Bulalas ko dahil medyo napatagal ang titig niya sa'kin.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon