Forty Six

43.6K 988 373
                                    

Recommended song for this chapter.

I'll never get over you getting over me by Nina.

********

Nakatingin lang sa'kin si Arnaldo, hindi ko maintindihan kung dismayado ba siya sa'kin oh ano? I felt terrible about what I'd done with him. Ang paghalik sa taong hindi mo mahal or rather hindi mo gusto, mali, kahit saang anggulo mo tingnan.

Ginamit ko siya para makita ni Kai at alam niya 'yon. Lalo akong nagi-guilty at hindi makatingin sa kanya.

"I-I'm sorry," mahinang nasabi ko.

"Is that enough for him to finally stop pursuing you? Sapat na ba ang halik sa ibang lalaki?" Aniya sa tono na dismayado.

Isang malaking sampal para sa'kin ang pagpapamukha niya. Kasalanan ko pa rin. Dapat ay hindi ko siya ginamit, dapat ay hindi ko siya dinamay sa gusot ko.

"S-sorry Arnaldo—" I was quickly cut off.

"I really like you more than a friend Natasha pero hindi ko 'to kukuhaning pagkakataon para pumorma sa'yo. I'm sorry if I felt dissapointed in you. Ginamit mo 'ko at nagpagamit ako, sana lang ay nakatulong ang halik na 'yon sa'yo,"

He looked mad and sad. Matapos sabihin 'yon ay winalk-out-an niya ako.

Gusto ko siyang sundan pero hinatak ako ni Dwight.

"Gaga ka! Bakit mo hinalikan si Arnaldo? Nakita kayo ni Sir Kai kanina! Alam mo ba na dumating siya?" Natatarantang sabi ni Dwight.

"Hoy babae! Anong palabas 'yon? Hindi ikaw ang may birthday, bakit ikaw ang may regalong halik?" Singit naman ni Chesca.

Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim. Hindi ako nag-isip ng matino, nandamay pa ako ng tao. Kailangan kong bumawi kay Arnaldo!

"K-kayo ba ni Arnaldo?" Nilapitan ako ni Ange.

Nananantiya ang tingin niya. Naglalaro ang mga daliri niya sa kanyang t'yan at inaabangan ang isasagot ko.

"Hindi Ange. Hindi kami. Sorry sa nakita niyo kanina. M-may problema lang kaya ko nagawa 'yon—"

"Wow, problema, ah! Sana lahat ng nagkakaproblema pwedeng manghalik 'no?" Putol sa'kin ni Chesca.

I shut my eyes feeling so problematic. "Hindi kami. Hindi talaga,"

Nagulat ako nang biglang tumalikod si Ange. No, no, no! Don't tell me?

Hinabol ko siya. "Ange, wait! Mali ka ng iniisip sa'min ni Arnaldo! Hindi kami!"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, nginitian. "A-ano ka ba Natasha! W-wala namang problema kung kayo o mag girlfriend siya, o kung may halikan siya—"

Lalo akong naguilty. Makakasira pa yata ako ng namumuong samahan dito.

"Ange I'm so sorry. Walang namamagitan sa'min ni Arnaldo. Y-yung halik na 'yon, para lang 'yon mapakita ko kay Kai na nakahanap na ako ng iba. A-alam mo na, hiwalay na kami pero naghahabol pa rin siya sa'kin. I wanted him to stop pursuing me, and the only way I could do is to show him that I'd already moved on by kissing another guy,"

Nag-aalangan akong tinitigan ni Ange. Sana lang ay makita niyang sincere ako sa pagpapaliwanag. I'm sincerely sorry for what I'd done.

"N-nagustuhan niya ba ang halik mo?" She asked hopeful.

I feel so guilty. I shake my head. "Hindi. Na-dissapoint pa nga siya sa'kin, nagalit siya dahil ginamit ko siya. Please Ange? Maniwala ka,"

She sighed heavily and nodded. "Alam mo? Gusto ka niya. Minsan ko na siyang nahuling nakatitig sa'yo nang matagal. Maraming babae ang humihiling na sana sila ang nasa posisyon mo, isa na ako doon. Gusto ko si Arnaldo, pero mukhang wala akong pag-asa?"

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon