Fifty

54.3K 1.2K 675
                                    

I retreat back from his hold. I was shocked from what he said. He wants me back, again! Sa tagal ng taon, hinihiling niya pa rin 'yan sa'kin. Kinain ako ng takot, takot sa posibleng mangyari. Takot sa posibleng gawin ulit ni Tita Linda, sa amin, sa kanya. Mas nangibabaw ang takot kaysa sa kagustuhan kong tanggapin siya ulit.

"I'm sorry," sabi ko at tuluyang pumasok sa aking sasakyan.

When I left him, he looked confused and in pain. Hindi ko alam, masyado akong natatakot sa maaring mangyari.

Tuliro ako ng makabalik sa aking opisina, mahal niya pa ba ako? Pero may girlfriend na siya, 'yon na rin siguro ang tinutukoy niya na future wife niya. Ibinuga ko sa pangatlong pagkakataon ang malalim na buntong hininga. Lito sa pag-iisip, sumasakit na rin ang ulo ko lalo na kapag iniisip ang halik niya, after three years bumalik lahat, na parang kahapon lang no'ng unang beses niya akong hinalikan.

I sighed again, I was so so problematic.

"Sumama ka mamaya madam, ah. Night party tayo!" Sabi ni Dwight ng i-videocall ako sa aking skype.

Nangulit siyang makausap ako thru videocall kaya ang skype account ko ang binigay ko sa kanya.

I rolled my eyes. "Busy ako.." pagtanggi ko. Pero nang maisip na siguro? Makakatulong ang alak sa pag-iisip-isip ay mabilis ko lang ding binawi ang pagtanggi ko.

I'm now on my way to the octagon bar, wearing an extremely exposing black dress and a silver stiletto, we decided to meet in the bar at 8 PM. Dwight texted me that they were already there, sina Ange, Arnaldo, Beth, Philip, Wade, and Toby.

Ako nalang daw ang hinihintay.

When I finally arrived, pumasok kaagad ako sa maingay na bar. Sumalubong sa akin ang usok ng sigarilyo, amoy ng iba't-ibang alak, iba't-ibang kulay ng ilaw na sumasayaw kasabay ng maingay na wild na music, malikot ang sumasayaw na mga tao sa dance floor.

Nahanap ko kaagad ang pwesto nila Dwight. Nakipagbeso ako sa kanila.

"Sa wakas, ang VIP, nakarating na rin!" Dwight rolled his eyes after the beso.

Nakita ko rin sila Ange and Arnaldo na magkatabi sa sulok, they were whispering something to each other, nakaramdam tuloy ako ng inggit. Paghiwalayin ko kaya sila? Charot!

Nang makita nila ako ay tumayo sila at nakipagbeso sa'kin.

"Hi, soon to be ninang!" Pagbati sa'kin ni Ange.

My eyes widened from what she said. Napanganga ako, excited at masaya sa narinig.

"Don't tell me?" Gulat na tanong ko.

"Yes! Two weeks to be exact! Ninang ka, ah?" Sabi ni Ange.

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko ulit siya. "Hala ka! I'm so happy for the both of you! You're two weeks preggy na but what are you doing here? Huwag mong sabihing nag-iinom ka?" Takang tanong ko.

"Of course not Natasha!" Si Arnaldo ang sumagot.

Pinagsingkitan ko sila ng mata. I raised an eyebrow. "Siguraduhin mo Arnaldo, ah! Kailangan healthy si baby, in fact, dapat ay bawal ka dito Ange kasi mausok, makakasama sa'yo at kay baby!" Sabi ko.

"Mapilit, eh. Gusto ka daw, makita at siya ang magbalita sa'yo about the baby.." sagot ni Arnaldo sabay akbay kay Ange.

Sana all. Eh, kung batukan ko kaya 'tong si Arnaldo? Sa harapan ko pa talaga maglalandian!

"Uuwi rin kami maya-maya don't worry. Gusto ko lang sorpresahin ka at sabihing magiging ninang ka ni baby namin.."

Baby. Kung sana ay gano'n lang kadali na gumawa no'n, kung sana gano'n lang kadali magmahal ulit. I always dream to be a mother, a kind of mother who will push their baby in a stroller every morning for a walk or who will brush a strand of hair of a child sitting on your lap, who will hug and kiss them whenever they were struggling in their studies. A kind of mother who will give your all as they grow old, a mother's greatest love. I wanted to experience it na, sobra ba ako kung hinihiling ko na 'yon ngayon?

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon