- V E R N -
Ngayon na ang araw ng presentation namin sa PE at kami na ang next group na magpe-perform. Hindi ko mapigilang mapatingin kay Riva dahil sa suot nito. Bumagay sa katawan niya ang suot niyang pants at cropped top--- pero hindi pa rin siya maganda sa paningin ko! Magaling lang siyang magdala ng damit!
Tama tama!
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang pumalakpak ang mga kaklase ko. Parang tangang nakipalakpak ako sa kanila. Inayos at inihanda ko ang sarili dahil kami na ang susunod na tatawagin sa harapan.
"Talaga naman walang kupas ang grupo ni Salvador!" papuri ni Sir sa kakatapos lang na grupo. "Next group, Brezuela please---" hindi pa man tapos magsalita si Sir ay pumunta na si McNeal sa gitna at sumunod naman kaming tatlo.
Nang mag-simula ang music ay nagsimula na rin kami sa pag-sayaw. Nagawa kong mag-focus sa pagsasayaw habang tinitignan ang mga galaw nila lalo na si Sammie at napangiti ako nang mapansing hindi siya nagkakamali.
Nakangiti akong nagtuloy hanggang sa magkaharap kami ni Riva habang magkaharap naman si McNeal at Sammie. Gusto kong tumigil sa pagsasayaw dahil sa tatlong araw naming magkakasama at nagpa-practice para sa performance na 'to, ngayon ko lang nakitang ngumiti si Riva.
Hindi ganoon kalaki ngunit sapat na para umabot iyon sa mga mata niya.
May kakaibang pakiramdam sa loob ko at parang kakawala ito anumang oras nito naisin.
Dancer nga talaga siya...
Sa pagsasayaw hindi lang paggalaw ng katawan ang kinakailangan dahil kung gusto mo maramdaman ng mga manonood ang ginagawa mo--- kooperasyon ng iyong emosyon ang kailangan.
Hinayaan ko lang ang sariling sumabay sa indayog ng musika hanggang dumating na ang huling sampung segundo nito.
Namilog ang mga mata ko nang maramdamang wala na kong pants!Napatingin ako sa sarili at tinakpan ang dapat takpan. NO F*CKING WAY!
BINABASA MO ANG
Gone Bad: The Hunting of Shadows (LUNS #1)
ActionLa Uno Negatibo Series #1 Ang tahimik na buhay ni Riva ay nagbago simula nang akusahan siya ni Isabelle bilang isang mamamatay-tao. Lingid sa kaalaman ng ibang tao ang tunay niyang trabaho, maging ang pinagdadaanan kung kaya't ganoon na lamang ang p...