- R I V A -
Huminto ako pagkaliko ko dahil kailangan kong tawagan si Jin. Bago ko pa man i-dial ang number niya ay may biglang sumiko sa likod ko at saka tinakpan ang bibig ko.
"WAAAHH-hmmmppp" ganoon lang kabilis ng itali niya ang mga kamay ko sa likuran kahit na pumipiglas ako. Bigla na lang nitong pinaharurot ang motor ko--- anong trip nito?
Sinubukan kong igalaw ang kamay ko at napansing matigas ang bagay na ginamit niya para itali ito. Zip ties... mas madali sana itong tanggalin kung nasa harapan.
Sa unang beses ay hindi ako nagtagumpay nang subukin kong wasakin ang zip ties gamit ang lakas ko.
Pag itong motor ko nagasgasan, ihahampas ko sa mukha mo yung gulong.
Nabibwisit kong sinubukan ulit wasakin ang nasa kamay ko at hindi naman ako nabigo. Hindi ako nagpahalata sa gagong 'to at kinuha ko ang maliit na patalim na nakatago sa binti ko. Itinutok ko ito sa kaniyang leeg at inutusang huminto.
"Ihinto mo," ilang segundong katahimikan ang lumipas ngunit hindi pa rin siya humihinto sa pagda-drive, "Hinto."
"Aackk-" inda ko nang biglaan akong siniko nito na naging dahilan para mabitawan ko ang hawak kong patalim.
SH*T!
Inihanda ko ang sarili at dahan-dahang tumayo mula sa likod niya. Mas binilisan niya ang takbo at bago ako mahirapan sa pagbalanse ng katawan, humanap na ako ng tiyempo at tumalon paupo sa kandungan niya.
Sinuntok ko ang mga kamay nitong nakahawak sa handle ngunit hindi siya bumitaw. Talagang sinusubukan ako ng isang 'to. Pwersahan kong tinanggal ang mga kamay niya hanggang sa makabitaw siya.
Ako na ngayon ang may control sa motor ko. Kusa sana niya akong aalisin sa kandungan niya ngunit mas diniinan ko ang pagkakaupo dahil makakatakas 'tong gagong kanina pa sunod ng sunod mula sa Roberts hanggang sa condo ni Vern.
Gamit ang isang kamay ko ay tinulak ko ang mukha nito pababa, hanggang maabot siya ng paa ko. Naging dahilan iyon upang magharap sila ng kalsadang dinadaanan ko.
BINABASA MO ANG
Gone Bad: The Hunting of Shadows (LUNS #1)
AcţiuneLa Uno Negatibo Series #1 Ang tahimik na buhay ni Riva ay nagbago simula nang akusahan siya ni Isabelle bilang isang mamamatay-tao. Lingid sa kaalaman ng ibang tao ang tunay niyang trabaho, maging ang pinagdadaanan kung kaya't ganoon na lamang ang p...