Kabanata 20: HAWAK-KAMAY

559 46 66
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

Sunod-sunod ang shoot namin simula sa Monday. Hindi naman ako nababahala para sa sarili ko, ayoko lang naaalis ang paningin ko sa kapatid ko. Lalo na't napapalapit siya kay Gab habang wala ako, hindi ako mapakali. Hindi ko pa kilala si Gab and to be honest, kahit kaibigan ko siya hindi pa rin ako panatag na hayaan si Sammie na mapalapit sa kaniya.

Hindi ko sinabi kay Gab na kapatid ko si Sammie dahil ayaw niya 'yon ipasabi sa kahit kanino. Nahihiya siya dahil anak siya ni Daddy sa ibang babae. Magka-iba kami ng apelyido at ayaw niyang matanong siya ng ibang tao tungkol sa bagay na 'yon. I respect her decision kaya sinunod ko ang gusto niya na itago na lang.

Hinahanap ko ngayon ang mga kaibigan ko. First day ng school fair at nagkalat ang students sa field kaya naman nahihirapan akong hanapin kung saan sila naglalaro. May mangilan-ngilan pang bumati sa akin nang makita ako at ngiti lang ang tanging naisukli ko. 

Ngiti LANG? Ako 'to! Si Vern Sayson! Hindi nila-"lang" ang ngiti ko.

Nang makita ko sila sa balloon darts ay nilapitan ko agad sila.

"Ang gwapo natin bro ah! Saan punta?" tinignan pa ako ni Johann mula ulo hanggang paa. 

"F*ck you ikaw nga 'tong bihis na bihis, sinong pinopormahan mo?" sabi ko at kinuha ang dart na hawak niya at inasinta ang isang balloon.

"You'll meet her tomorrow night," napailing na lang ako dahil iba ang ngiting binigay niya. Delikado na 'to.

"Sheeeshh malakas na amats nito," sabi ko at kinurot pa siya sa tagiliran.

"Ikaw Gab? Who's your date?" biglang tanong ni Johann at nagkatinginan pa kami ni Gab dahil sa tanong niyang 'yon.

"Being charismatic is enough bro," kinuha nito ang isang dart at pinutok ang lobong nasa pinakagitna. Nice one.

"Ang sabihin mo nireject ka! HAHAHAHA," pang-aasar lalo ni Johann.

"No date, no problem. I can dance with anyone... everyone rather."

"Siraulo!" at kahit mas matangkad si Gab ay binatukan niya ito.

"How about you Pat? Did you ask Riva?" 

"I can't," lumamlam ang mga mata nito pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Kinuha ko muli ang isang dart ngunit ang pandinig ko ay nakafocus sa kanila.

"'Yung pinsan ko pinababantayan sa akin," at tuluyan na akong napangiti. I popped two balloons with just one dart! Masaya ba ako dahil doon? O masaya ako dahil hindi sila magka-date? 

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon