Kabanata 28: LIHIS

464 38 35
                                    

Dahil isang taon na ang Gone Bad, sana magustugan niyo ang regalong ibibigay ko sa kabanatang ito.

Happy 1st anniversary!

***

"Thank you for trusting us Miss Riva," pagpapaalam ng RHTV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thank you for trusting us Miss Riva," pagpapaalam ng RHTV.

"Of course," tinanguan ko sila.

"We'll go ahead Mr. President, Ma'am, Sir..." humarap sila sa iba pa.

"Kayo hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Mariestella sa mga kaibigan ko.

"Ipapahatid ko sila kay Caius."

"Hindi ka na sasama samin?" napatingin ako sa tanong ni Pat.

"Actually may gagawin pa kasi ako after this," ngayon ang flight namin nila Jin papuntang Iraq. Lingo ang original schedule ng contract signing namin doon pero napaaga dahil sumabay ang China.

"S-sayang naman, pinag-usapan l-lang namin kanina k-kakain sana kami sa labas," malungkot na sabi ni Sammie.

"Importante kasi eh."

"We understand naman girl! Unahin mo 'yan priorities 'yan. Marami pa namang time para lumabas tayo ng magkakasama, right guys?" nilingon ni McNeal ang iba pa at tumango naman sila sa sinabi nito.

"Oo nga. Sa susunod iplano natin para masingit sa sched ni Riva, parang pahinga niya na rin."

"Girl, inuman sa beach perfect HAHAHAHA!" nagtawanan ang lahat. Sana nga makasama ako sa mga plano nila.

"Sige na nandiyan na si Caius, ingat kayo," sabi ko nang makalabas ang sasakyan.

"Wait girl nasaan pala si Vern?" nilibot ko ang mata at napansin wala nga si Vern.

Nilingon ko si mariestella at nakuha niya naman ang tingin kong iyon saka siya bumalik sa loob.

"Sasama na ako," pagprisinta ni Pat.

"'Wag na, kami na lang ni Mariestella," sabi ko at walang lingong sumunod.

Nasaan naman ang isang 'yon? Kung kailan pauwi na saka pa nawala, baka gabihin pa sila sa lakad nila. Nagtungo ako sa hall pero wala nang tao doon kundi ang mga staff ng Concordia na nagliligpit.

Sunod kong pinuntahan ang pinakamalapit na CR at kumatok doon.

"Vern?" tawag ko pero walang sumagot.

Naglakad ako papunta sa kabilang CR malapit sa children's playground. Bago pa man ako makarating sa CR ay nakita ko si Vern na nakaupo sa isang swing. Tatawagin ko na sana siya pero napansin kong bumubuka ang bibig nito na parang may kausap. Hindi ko makita kung sinong kausap niya dahil nakaharang ang slide. Humakbang ako paakyat sa tatlong-baitang na hagdan bago makatuntong sa playground.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon