- R I V A -
"Girl, parating na daw si Sir A."
"H-Ha? Hindi pa nga nag-nag---"
"Nagbe-bell! Kalurki ka girl! Ako na magtutuloy ng sasabihihn mo dahil ako ang nahihirapan sa'yiz. Gisingin mo na 'yung isa."
"R-Riva... W-Wake up."
"Hindi ako tulog." Gulat naman silang napatingin sa akin dahil sa biglang pagsasalita. Kanina ko pa sila naririnig sa kadahilanang nakapikit lang ako.
"Ay sorry ha! Nakakahiyang gisingin 'to noh?" lumingon siya ay Sammie na inosenteng nakangiti. "Sanay na yata kaming tulog ka lagi girl."
Natahimik ang maingay na klase nang pumasok si Sir A. Sa totoo lang ay gusto kong tulugan ang klase niya ngunit bago palang siya at hindi ko pa kabisado ang mga kilos niya. Baka magulat na lang ako, sa loob na ko ng guidance office natutulog. Mahirap na.
"Good morning."
(Allen "Sir A." Acuesta portrayed by Van Allen Ong)
"Good morning, Sir A!" masayang bati ng buong klase. Siguradong titig na titig na naman sa kaniya ang mga kaklase kong babae at may pusong babae, dahil hindi nga maipagkakaila na maitsura siya at lalaking lalaki ang dating.
"Bring out one whole sheet of pad paper," maski ako ay napatingin nang sabihin niya iyon. Hindi namin inaasahan na sa araw na ito siya magpapa-quiz.
"Sir?!"
"Hala Sirrr!" reklamo ng mga kaklase ko.
"Hindi ako magpapa-quiz." Ngumiti siya at nilibot ang paningin sa buong klase. May ibang dulot sa pakiramdam nang magtama ang paningin naming dalawa, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ito o ano.
"Phew! Kinabahan ako. Sana activity lang."
Natuwa naman ang mga kaklase ko dahil sa maganda balita, maski ako ay natuwa dahil unang subject palang ito at wala ako sa mood magsagot ng quiz.
BINABASA MO ANG
Gone Bad: The Hunting of Shadows (LUNS #1)
ActionLa Uno Negatibo Series #1 Ang tahimik na buhay ni Riva ay nagbago simula nang akusahan siya ni Isabelle bilang isang mamamatay-tao. Lingid sa kaalaman ng ibang tao ang tunay niyang trabaho, maging ang pinagdadaanan kung kaya't ganoon na lamang ang p...