Kabanata 47: UNAWA

184 15 12
                                    

- V E R N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

Naglalakad ako pabalik nang ospital nang bigla akong hatakin ni kuya sa daan at sapilitang itinulak sa bumper ng sasakyan niya. Napapikit na lang ako sa sakit ng likod nang tumama ako doon. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at idiniin sa sasakyan. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil wala akong lakas para labanan siya.

"Bakit natunton tayo ng babaeng Hulleza? Nakikipagtulungan ka siguro sa kaniya ano?! Alam na ba niya ang lahat? Magsalita ka!" nanlalaki ang mga mata niya at halos lumabas ang mga ugat sa leeg dahil sa pagsigaw. Walang ganang nag-iwas ako ng tingin.

Heto na naman si kuya na walang ginawa kundi iparamdam sa akin na wala akong nagagawang tama. Hindi niya ba naiisip na mas pipiliin ko sila kaysa sa babaeng nagugustuhan ko? Talaga bang ganoon kababaw ang tingin nila sa akin? Nakuha ko ang loob ni Riva... ang tiwala niya. Pero ang pamilya kong araw-araw kong pinagsisilbihan ay hindi ko man lang makuha ang loob.

"Vern! Sumagot ka!" sigaw niya ulit.

Hindi ko alam kung may mga tao nang nakakapansin sa aming dalawa. Gusto ko na lang ipikit ang mata ko at matulog nang mahaba. Hindi ko alam kung anong iisipin, sasabihin, at gagawin. Narinig ko na lamang ang pagkasa ng baril at naramdaman ito sa bandang panga ko.

"D-Diyan..." napangisi ako. Nanatili akong nakatingin sa malayo pero naramdaman ko ang mas pagbaon ng baril sa balat ko.

"What?!"

"Diyan ka magaling. Kayang-kaya mo akong bilugin. Kayang-kaya niyo akong paniwalain at pasunurin sa mga bagay na pinaniniwalaan niyo. Kahit walang kasiguraduhan... kahit mali," sa pagkakataong iyon ay tinignan ko si kuya. "Hindi na ako bata kuya. Hindi ko man alam ang lahat, pero alam kong sinungaling ka."

Hindi siya nakasagot pero hindi rin siya nagulat. Handa siya sa mga bagay na ganito. Alam niyang dadating ang oras na malalaman ko ang lahat. Buong buhay ko ay tiniis ko ang pang-aabuso ni kuya. Sinunod ko lahat ng gusto niya dahil ang buong akala ko ay para sa hustisya ni daddy 'yon. Masyado pa ngang mura ang isip ko at hindi naisip ang mga posibilidad na 'yon.

Bigla ay natawa ako. Talaga bang naniniwala ako sa mga sinabi ni Riva kanina? Totoo ba ang mga 'yon? Hindi ko malalaman kung hindi ko itatanong sa taong kaharap ko ngayon.

"Stop laughing!" sigaw na naman niya at padabog na binitawan ako. Hindi ako natinag sa pwesto sa pagkakasandal sa bumper ng sasakyan. Hinayaan kong mahiga ang sarili doon at huminga ng malalim.

"I won't get mad. Just tell me the truth kuya," mahinanong sabi ko at saka umayos ng tayo. "Ano ba talagang pinaglalaban natin? Buong buhay ko puro paghabol sa hustisya ang inaatupag ko. Buong buhay ko puro paghihiganti ang laman ng utak at hinahanap-hanap ng kalamnan ko. Pero hindi ko alam kung ano ba talaga?"

"They killed our father!"

"B-But daddy killed them first, right?" labag man sa loob ay nasabi ko 'yon. Taliwas ang nararamdaman ko sa katotohanan. Gusto kong ipaglaban ang pamilya ko pero mali... Mali. He was an assassin, he was a criminal.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon