Kabanata 44: PULONG

157 17 5
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

Dalawang araw ang lumipas at natapos na kami sa training dito sa RAS. Nakapag-ayos na kami ng gamit at handa nang umuwi ang lahat. Nandito kami sa lobby sa tapat ng Golden Zone habang ang mga teammates ko ay isa-isang tinitignan ang mga picture na nandoon.

"Wow nagpupunta pala dito si Sir Jethro Dionisio?"

"The jet! Legend ng shooting sports!"

Napangiti ako nang mapansin nila iyon. Isa sa mga hinahangaan ko si Sir Jethro pagdating sa shooting at paminsan-minsan ay naiimbita siya dito sa RAS ngunit kahit kailan ay hindi pa kami nagkita.

Kumuha ako ng juice sa ref na katabi ng mga bench habang hila ko ang maleta. Kahit ilang hakbang ang layo ay rinig ko ang pinaguusapan ng iba ko pang teammate.

"Look at Riva's picture."

"Sobrang bata pa niya dito at black pa ang hair niya."

Nawala ang mga ngiti ko dahil sa narinig kong banggitin nila ako. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon kaya pakiramdam ko ay mas mabuting kainin na lang ako ng lupa.

"Namumula na naman yung tenga mo," rinig kong bulong ni Vern Ang bilis naman makarating nito sa tabi ko. "Hindi bagay sa'yo mahiya Buot. Masiyado kang nagiging cute! Para kang yelo ang sarap mong ihampas sa pader."

Umakto siyang kukurutin ako pero sinamaan ko siya ng tingin. Magmula noong gabing pinuntahan ko siya sa tent ay mas kumapal ang mukha niya at panay lalo ang dikit sa akin. Wala naman akong magawa dahil nasasanay na rin ako sa pangungulit niya.

"Ito ngang zest-o nabubutas ko, bungo mo pa kaya?" tinusok ko ng straw yung juice na kinuha ko at saka tumingin diretso sa kaniya.

"A-Ang brutal mo eh noh? Parehas kayo ni Coach Leigh," nakangusong reklamo niya.

"At least hindi selosa," pagkasabi ko noon ay biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Hangin mo kahit kailan! Dapat nga ikaw ang magselos dahil ang daming babaeng nahuhumaling sa kagwapuhan ko!"

"Bakit ako magseselos?"

"At bakit naman hindi?" mataray na sabi niya habang nakataas pa ang isang kilay.

"Gusto ba kita?"

Dahan-dahang nawala ang pagkakunot ng noo niya. Natigilan siya dahil sa sinabi kong iyon at para bang estatwang nakaawang pa ang bibig.

"Emotional damage!" napalingon siya nang mag-react si Johann. Muntik ko nang maibuga yung juice buti na lang at napigilan kong tumawa.

"Tawa-tawa ka pa diyan," rinig kong bulong ni Vern habang nakatingin pailalim sa akin.

"Team!" sabay-sabay kaming napalingon nang magsalita si Coach Axel. Bumalik na kami sa pwesto kanina at saka umayos ng pila.

"Before you leave RAS Academy, I would like to congratulate all of you!" masiglang bati ni Coach Leigh at inabot sa amin ang certificate ng 5-day training. "Alam kong malayo ang mararating niyo dahil sa determinasyon at sipag niyong matuto. Malayo-layo pa ang competition niyo at sana bago kayo sumabak sa tunay na stage ay makabalik kayo dito. Good luck, Blazing Bullets!"

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon