Kabanata 41: PROPESYONAL

234 20 2
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

Ngayon ang araw ng alis namin papuntang Nasugbu. Hinatid ako ni Jin at Mariestella sa parking lot ng Roberts at nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan. Kahit busy si Jin ay hindi niya pa rin kami hinahayaang kami lang ni Mariestella, siguradong diretso na siya sa The Axle pagkahatid sa akin.

"Wala ka na bang naiwan?" tanong ni Jin. Napatingin ako sa isang maletang dala ko. Sa tingin ko naman ay nandito na ang lahat. Hindi na ako nagdala ng ibang sapatos bukod sa suot ko. Puro damit, hygiene kit, at mga importanteng gamit lang ang dala ko.

"May kulang pa," napatingin sila ni Mariestella nang sabihin ko iyon. "Stay here, it's not a request."

"Sino nagsabing pupuntahan ka namin?" hindi makatingin si Jin.

'Wag mo akong binabata Del Prado," bubuksan ko na sana ang pinto ngunit ni-lock ulit 'yon ni Jin. Napailing na lang ako dahil ayaw kong makipag-sagutan sa kanila.

"Paano si Jerome? What if may gawin siya sa'yo habang wala ako?" nagpipigil ng inis si Jin.

"Hanggang ngayon ba wala ka pa ring tiwala sa kapatid mo?" lumapit si Mariestella sa kaniya at sapilitang hinarap sa kaniya ang mukha ni Jin. "Kaya na 'yan ni Riva. Hindi si Je ang kailangang bantayan Jin, si Roman ang kalaban mo dito. Isa pa, hindi naman nag-iisa si Riva doon."

"Kung Supremo lang ako dinismiss na kita," sabi ko na mas ikinakunot ng noo niya. "Presidente ka ng Sentro and if you can't fulfill your duties bumaba ka sa pwesto. Sana nag-apply ka na lang na body guard ko," biro ko.

"You are the future of Negative One and my duty is to protect you," seryosong tugon niya.

"Corny," sabi ko.

"What do you want us to do?" napabuntong-hininga na lang si Mariestella.

"Maghintay," sabi ko. Ayoko munang magsabi sa kanila dahil marami pa akong kinakausap na ibang tao. Isa na doon si Jerome at alam kong kokontra si Jin kapag nalaman niya ang ilan sa mga hakbang na gagawin ko.

"Hindi sa ayaw kong sabihin sa inyo..." panimula ko at huminga ng malalim. Tutok sila sa akin at hinihintay akong magsalita ulit. "Ang halaman nakikita mong lumalaki at tumutubo pero hindi mo alam kung hanggang saan na ang nararating ng ugat nito."

"Here we go again," bulong ni Mariestella habang isinusukbit pa sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok.

"I mean... 'wag kayong mag-alala. Kasi kahit hindi ko sabihin, kusa niyong nagagawa ang trabaho niyo nang hindi niyo namamalayan," tumingin ako sa labas ng bintana.

"What do you mean?" tanong ni Jin.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagturo sakin ng mga ganito? Lahat ng nangyayari ay planado Del Prado," nanatili akong nakatingin sa labas. "Kahit sa mga oras na 'to na aalis ako papuntang Nasugbu kasama si Vern... at Jerome."

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon