Kabanata 45: TANIKALA

168 16 7
                                    

- V E R N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

"Kuya anong n-nangyari?" bungad ko pagpasok ko ng kwarto.

May dalawang hospital bed at doon nakahiga si Krissha at mommy. Nilapitan ko si mommy at chineck kung may galos ba ito pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag. Sinulyapan ko sa kabila si Krissha, halos wala siyang galos bukod sa

"Why are you so late?! Kagabi pa kita tinatawagan hindi mo ako sinasagot! T*ngina talaga ng mga Hulleza'ng 'yan!"

Napapikit na lang ako nang isigaw iyon ni kuya. Hindi niya ba napansin na nasa likod ko lang si Riva?

"Magandang gabi ho Sir A," nakayukong bati ni Riva.

"M-Miss Buot, why are you here?" kitang-kita ang pamumutla ni kuya.

"Sinamahan ko lang ho si Vern. Aalis na rin ho ako," napalingon ako nang sabihin niya 'yon.

Talaga bang hinatid niya lang ako? Hindi siya mag-stay?

"Ihahatid na kita---"

"Just stay here. Your mom needs you," kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Riva.

Kung alam mo lang ang lahat... kung paano nila ako itrato. Hindi naman sa ayaw kong bantayan si mommy, natatakot lang ako nab aka paggising niya ay ako na naman ang sisihin sa nangyari. Pareho sila ng ugali ni kuya, pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lang 'yon dahil mahal at nirerespeto ko sila.

"Thank you," sabi ko na lang kay Riva at pinagbuksan siya ng pinto. "Please stay a little longer," kinuha ko ang kamay niya.

"They need you," dahan-dahan ay mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Para bang may kakaibang dating iyon sa loob ko. Ngumiti siya binitawan ang kamay ko.

"Bullsh*t what the f*ck did you just do? Bakit dinala mo pa yung babaeng Hulleza dito diba sabi ko sa'yo hindi niya pwedeng malaman na magkakilala tayo?" bungad ni kuya nang isara ko ang pinto.

"Kuya..."

"Hindi mo talaga ginagamit yung utak mo! Tinawag mo pa akong kuya sa harap niya!"

"Kuya calm down," sinubukan ko siyang pakalmahin. Kailangan niyang marinig ang sasabihin ko tungkol sa mga napag-usapan namin kasama si President Del Prado.

"Calm down? Nawalan ako ng bahay, nasimot lahat ng pera ko, nakahiga si mama at Krissha sa hospital bed and you expect me to calm down? Dinala mo pa yung babaeng dahilan bakit nandito tayo ngayon! Lahat ng mga nangyayari kasalanan nilang lahat!"

Hindi ko masisisi kung bakit ganito si kuya ngayon. Lagi naman siyang galit pero ngayon ay mas naintindihan ko ang galit niya dahil sa ginawa ni Roman.

"Alam na niya," mahinang sabi ko.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon