Kabanata 10: KLARO

630 52 11
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

"Oh" abot ko sa kaniya ng cellphone. Ano ba naman kasing ginagawa nito dito?

"Riva?" trip nito? Akala mo nakakita ng multo.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, bihis na bihis... Pero hindi ko alam kung bakit nakatingin parin siya at parang hindi pa makapaniwala. Nangangawit na yung kamay ko dahil kanina ko pa inaabot sa kaniya ang cellphone niya.

Binato ko ito sa mukha niya pero mabilis naman siyang kumilos at sinalo iyon.

"H-how... How did you get it?" tinalikuran ko siya at saka umalis. Ganoon na ba ang bagong paraan ng pagsasabi ng salamat? Sa yabang ba naman niya, hindi na rin ako aasang marunong siya non.

Engot kasi, napakabagal tumakbo muntik pa siyang matakasan.

Naglakad ako papasok sa building ng NONE at sinalubong naman ako ni Jin na may kausap sa cellphone.

"She's here," inalalayan niya akong pumasok sa elevator at nagpindot doon.

"Just a reminder, stay calm," pagkasabi niya non ay napakawalan ko ang isang malalim na paghinga na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko sinagot si Jin at pinagpatuloy ko na lang ang paghinga ng malalim habang nakapikit. Ito ang paraan ko para kumalma at makapag-isip ng maayos.

Nandito ako sa NONE para kitain ang isa sa mga mahahalagang tao, ngunit isa din sa pinaka-tangang taong kilala ko. Kung bakit ba naman kasi hindi nila iniisip ang bawat desisyong gagawin, at hindi man lang muna ipinararating sa akin bago magsimula.

Nang makababa kami sa elevator ay nagsimula na namang umakyat ang inis na pinipigilan ko. Kusang bumukas ang pintuan ng president at dirediretso naman kaming pumasok ni Jin doon.

Ngumiti ako at tinignan ang president. Sinuklian naman ako nito ng ngiti.

"Good evening, Riva and Mr. Del Prado," masayang bungad nito sa amin.

"Good evening Mr. Valencia. Can I have a minute with you?" pinantayan ko ang enerhiyang binibigay niya, sibukan kong ngumiti na para bang ipinapakita ko kung gaano ako kasaya makita siya ngayon.

"Yes of course have a seat," Turo niya pa sa upuang kaharap niya.

"No need Mr. Valencia. It really wouldn't take long," sinabi ko yon sa pinakamalambing na paraang alam ko.

"What is it? Do you want to say something, Riva?" komportable pa itong umupo sa upuan niya at inayos ang suot. Sulitin mo na, huling araw mo na 'to.

"Five words for you..." nakangising sabi ko at dahan dahang lumapit sa kaniya at nang makalapit ako'y kusang nawala ang mga ngiti sa labi at napalitan ng blangkong tingin, "FIX YOUR THINGS, YOU'RE FIRED."

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon