EPILOGUE

313 15 9
                                    

- V E R N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

Year 2026

"Sayson, Vern P., Cum Laude."

Taas noo akong umakyat sa stage nang tawagin ang pangalan ko. Hindi ko man lingunin ay rinig ko ang palakpakan ng mga ka-batch ko. Diretso akong nakatingin sa harapan kung saan nandoon ang mga Chancellor at ilan sa mga may matataas na posisyon sa Roberts International School. Kitang-kita ko kung paano ako nginitian ni President Del Prado habang naghihintay na kamayan siya.

"Congratulations Mr. Sayson," sabi nito sa akin at kinamayan ako.

"Thank you President," sinuklian ko siya ng mas matamis na ngiti.

Humarap ako sa mga tao at ngumiti sa camera. Hindi alintana ang patuloy ang pagtama ng flash sa mga mata ko, hinanap ng paningin ko si mama at Sammie.

Katulad ko, suot din ni Sammie ang itim na toga. Hawak pa niya ang vlogging camera habang paulit-ulit na sinisigaw ang, "Kuya ko 'yan!" Ibang-iba sa Sammie na kilala ko anim na taon na ang nakalilipas, mas nalinang ang communication skills niya dahil parehas kami ng kursong tinapos. Ang pinagkaiba lang naming dalawa ay ang major.

Ako ay Bachelor of Arts in Mass Communication major in Public Relations, habang siya naman ay Journalism. Mula nang mag-kolehiyo ay itinigil ko ang pag-renew ng kontrata bilang modelo. Ginawa ko iyon para makapag-focus sa pag-aaral, hindi naman mawawala ang pagmo-modelo. Masaya naman si Matt sa naging desisyon ko dahil maaaring lumabas pa rin ako sa telebisyon. Hindi nga lang bilang modelo, kundi bilang newscaster.

Sunod na tinignan ko si mama na nasa bandang dulo kung nasaan nandoon ang mga magulang ng mga estudyante. Hindi ako nahirapang hanapin siya dahil siya lang ang bukod-tanging naka-wheelchair sa loob ng auditorium. Nakangiti siya habang kumakaway sa akin kaya hindi ko napigilan at itinaas ang kamay upang kawayan din siya. Suportado niya ang pinili kong kurso kahit na hindi ito linya sa tinatahak ko noon.

"Congratulations Love."

Sinalubong ng yakap ni Gab si Sammie nang makalabas kami sa auditorium. Tulak-tulak ko ang wheelchair ni mama kaya agad kong napansin na nag-angat siya ng paningin sa akin. Nagtama ang paningin namin at saka siya natawa.

"Nasa harap ka ng kuya, respeto naman sa mga single!" pang-aasar ni Johann. "Congrats Vern!"

"Kung hindi ko lang hawak si mama baka natadyakan na kita," umakto pa akong tatadyakan si Johann.

"Kapag ako naka-pasa sa exam at training sinasabi ko sa'yo hindi ka na makaka-ganyan. Tandaan mo, imortalsi Cardo Dalisay," mayabang na sabi nito.

"Baka magulat ka Johann kapag nauna pa 'yang ikasal kaysa sayo," dire-diretsong sabi ni Sammie.

"Ha? Ako may girlfriend, eh itong kuya mo? Tamang waitings lang sa taong hindi naman babalik," nakangising hirit na naman ni Johann. Nag-peace pa ito sa mga ulap na akala ko ay kinakausap si Gabriella.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon