Kabanata 49: KUBLI

195 11 2
                                    

Puro flashback po ang kabanatang ito. 'Wag po sana kayong malito HAHAHA! 

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

"Pink na sisiw or mangkukulam, Riva or Gabriella... whatever your name is..." napangiti ako kasabay ng pagpatak ng mga luha. "I don't want to lose you," bulong ko sa tenga niya.

"Breathe..." sabi ko nang maramdaman ang panginginig ng kamay niya. Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan siya sa balikat. "Inhale... exhale." Noong una ay walang response galing sa kaniya hanggang sa maramdaman kong sumasabay na siya sa paghinga ko ng malalim, "That's it Gabgab."

Nang maramdaman kong nabawasan ang pagnginig ng kamay niya ay nilahad ko ang kamay ko para yayain sana siya na umahon na sa tubig pero...

"V-Vern..." ayon na naman ang pamumuo ng mga luha niya. Ganitong-ganito ang nangyari noong mawala si McNeal. I smiled and opened my arms to welcom her with a hug. Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng balikat niya at wala akong narinig na kahit anong ingay mula sa pag-iyak niya. Hinaplos ko ang buhok niya at bahagyang hinalikan ang noo.

"I know you don't wish to hear this... but I'm really sorry," wala sa sariling sabi ko.

Noong unang beses na umiyak siya sa akin, parang nonsense lang ang mga sinabi ko. Tinanong ko siya kung kumain na ba siya, kung natikman niya na ba yung bistek, at kung anu-ano pa. Sa totoo lang, hindi ko naman 'yon sinabi out of nowhere lang. My goal is to make her feel comfortable kasi alam kong mas maiilang siya kapag tinanong ko kung okay lang ba o kung anong problem niya. Pero ngayon... gusto kong magsalita. Yung walang halong pang-gagago at yung totoong galing sa puso.

"Hindi ako nandito para mangulit. I want to wait for you patiently because I know you need some alone time. You might feel overwhelmed dahil sa mga nangyayari sa paligid mo tapos dadagdag pa ako, right? I realized, maybe I'm asking too much too soon. Sorry..."

Wala akong pakialam kung magsalita siya o hindi. Ang importante ay maiparamdam ko na nandito pa rin ako kahit na dumidistansya ako at malaman niyang may taong handang makinig sa kaniya.

"Pero hindi naman ibig-sabihin na wala ako, umalis ako. I just want you to know na nandito lang ako Gabriella. I'm willing to listen because I know how it feels not to be listened to. I'm here to understand and to not respond or cut you off. You're free to say what you want," sabi ko habang dahan-dahang tinatapik ang ulo niya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon sa hindi ko mabilang na segundo. Nakatayo sa pool at magkayakap habang bumubuhos ang malakas na ulan. Hindi ako magpapanggap, gusto ko ring sulitin ang oras na nasa ganito kaming posisyon. Para bang mayroon sa akin na nagsasabing walang kasiguraduhan kung mauulit pa ito.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon