Hi mga bobo at mga tinatangi(na)!
Nais ko lamang iparating ang taos-pusong pasasalamat dahil nakarating kayo sa huling pahina ng "Gone Bad: The Hunting of Shadows." Alam kong maraming nabitin sa inyo ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kwento ng tinatangi nating si Vern at Gabriella, dahil sila ang pangunahing tauhan sa buong LUNS.
Ang "La Uno Negatibo" series ay binubuo ng anim na kwento kung saan ipinapakita at ipinakikilala ang lahat ng sangay ng Uno Negatibo.
Ang unang limang libro ay patungkol sa buhay ng limang kababaihan na miyembro ng nasabing organisasyon.
LUNS #1 Gone Bad: The Hunting of Shadows
LUNS #2 Poison Heals: The Double-edged Spade
LUNS #3 Fair Cheat: The Core's Turbulence
LUNS #4 Hits Different: The Scarlet Clover
LUNS #5 Cast Off: The Diamond Inferno
At ang ika-anim at huling libro ay ang pagsasama-sama ng limang karakter upang wakasan ang La Uno Negatibo series.
LUNS #6 Negative One: The Raptor's Upshot
***
Nais ko rin lamang hingin ang ilang minuto ninyo upang mag-iwan ng review at opinyon tungkol sa "Gone Bad: The Hunting of Shadows."
Ito ang aking unang librong natapos at nais kong humingi ng gabay mula sa inyong mga komento. Gagamitin ko ito upang mas husayan pa sa mga susunod na akda.
Bukas ang Wattpad comment section at wall ko para sa inyo. Maaari niyo rin akong i-message sa binibiningcallisto@gmail.com at Facebook page, Bb. Callisto.
Maraming salamat!
Bb. Callisto
BINABASA MO ANG
Gone Bad: The Hunting of Shadows (LUNS #1)
ActionLa Uno Negatibo Series #1 Ang tahimik na buhay ni Riva ay nagbago simula nang akusahan siya ni Isabelle bilang isang mamamatay-tao. Lingid sa kaalaman ng ibang tao ang tunay niyang trabaho, maging ang pinagdadaanan kung kaya't ganoon na lamang ang p...