Kabanata 27: SILAW

425 40 12
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

"Ayos lang ba 'tong suot ko girl?" tumango ako nang tanungin ni McNeal. Nakasuot siya ng cargo pants at crop top pero may denim jacket naman siya kaya okay lang. Hindi naman din siguro papansinin ng mga tao sa Concordia kung anong suot namin.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. Naka-formal attire ako dahil kailangan para sa ilalabas na pictures and videos.

Sinundo ko sila dito sa Roberts dahil ayon ang napagkasunduan. Inimbitahan ko si McNneal at Sammie na sumama dahil sigurado akong magugustuhan din nila doon. May program kasi na inihanda sila Ma'am Tina, balita ko nga'y may performance ang mga bata.

"Let's go?" binuksan ni Caius ang van, bagong driver na hinire ni Jin na siyang naghatid kay Vern kahapon. Inalalayan niyang pumasok si Sammie sa Van.

"Wait lang girl, may iba pa kasi tayong kasama. I mean, nasabi ko kasi sa apat yung lakad natin ngayon kaya ayon sasama daw sila."

"Apat?"

"Oo girl, sila Vern, Johann, Pat, at Gab. Friends naman na natin sila diba kaya niyaya ko na rin," hay nako Brezuela kahit kailan ka talaga.

"K-kasama sila V-Vern?"

"Ayun na pala sila eh. Guys!"

"Hi bro! Hi Riva!" nginitian ko si Johann nang bumati at ganoon na rin sina Pat, Gab, at Vern.

"Naka-croptop na nga ako please stop bro-ing me!"

"Tara na?" tinignan ko ang oras.

"Arat na!" sumakay si McNeal sa unahan ng van.

Naupo na silang lahat sa loob at kami na lang ni Vern ang hindi pa. Inilahad niya ang kamay ngunit katulad pa rin ng dati ay hindi ko 'yon tinanggap. Pumasok ako at tumabi kay Sammie saka siya sumunod. Habang nagdadrive si Caius ay nagsalita si Vern.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko kagabi kung pwede ba ako sumama, silence means yes diba?" hindi ko siya nilingon. Masyado kasi siyang malapit sa akin.

"Hoy anong kagabi yan? Magkasama kayo kagabi? Riva girl ha may hindi ka sinasabi sa akin," nilingon kami ni McNeal at saka sinubukan akong abutin para kurutin.

"Sir umayos po kayo ng upo," sabi ni Caius sa kaniya.

"Sorry po hihi ito kasing boss niyo maharot!"

"It's an accident," sabi ko.

"Accident bang iuwi mo ko?" sa pagkakataong iyon ay nilingon ko si Vern at sinamaan siya ng tingin. "Tumingin ka din," ngumiti siya ng pagkalaki-laki.

"Ohhhh Patrick harap-harapan nang inaagaw sa'yo hindi ka ba lalaban?"

"Inuwi? Omaygad ang taray ni ate girl baliktad na? Babae na ang nagyaya mag-tanan?"

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon