Kabanata 23: LARO

479 33 34
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

"Congrats Riva!" sigaw ni Mariestella.

Nirentahan ni Jin ang resto bar ng kaibigan niya para sa gabing ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nirentahan ni Jin ang resto bar ng kaibigan niya para sa gabing ito. Katatapos lang ng ball sa Roberts at dinala niya ako dito para magcelebrate kaming tatlo. Apat sana kami ngayon ngunit busy ang isa pa naming kasama.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon mo," napahawak pa si Jin sa dibdib.

"Pwede ko namang bawiin," biro ko.

"Baliw! Pakiramdam ko mas matured ka na kahit ilang taon ang tanda namin sa'yo."

"The feeling's mutual, pakiramdam ko kaya mo nang palitan si Jin," inasar pa nito si Jin at tinarayan.

"For now, we'll stick with my plan," sabi ko at ininom ang natitira sa wine glass.

Ang original plan namin noon ay ipapakilala ako bilang President ng -1 katulad ng pagpapakilala sa akin sa labas ng bansa tuwing may contract signing. Pero dahil sa sariling desisyon ay pinagpaliban ko iyon dahil gusto ko munang makapagtapos ng highschool bago ako tumuntong sa puwesto.

Kaya naisipan kong ipakilala na lang muna ang sarili sa public bilang anak ng former president dahil pansin na ng lahat ang potensyal ni Roman.

Hindi dapat siya maging presidente ng -1. Matagal na akong inihanda ng mga Del Prado para sa posisyong iyon na kasalukuyang si Jin ang nakaupo. Hindi maaaring makuha iyon ni Roman.

"Saka ka na umakyat sa pwesto kapag maayos na ang lahat. Anyway, are you ready for the press con?" tanong ni Jin.

Ngayong ipinakilala na ako, magsasagawa kami ng press con kasama si Jin. Wala naman akong dapat ikabahala dahil nakausap na ni Mariestella ang media na aattend.

"Hindi ba dapat sila ang mag-handa?" ngumisi ako.

"Oooohhh spicyyy, that's my girl!"

Si Roman ang dapat maghanda, dahil nagsisimula pa lang ako. Napailing ako nang bumalik sa isip ko ang gulat na mukha niya nang tawagin ako ni Jin kanina. Para bang nakakita siya ng multo, multong siya mismo ang bumuo.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon