Kabanata 11: KAKAIBA

573 57 9
                                    

- R I V A  -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A  -

"Meg, 6 days na. Bakit bawal pa 'to alisin?"

"I said a week. Ilang araw ba meron sa isang lingo? Pasaway," sumimangot ako at binabaan siya ng tawag.

Bukas ko pa matatanggal 'tong arm sling. Gusto ko sana matanggal na 'to ngayon dahil may activity kami sa club ngayon pagtapos ng klase. Last subject na namin ngayon at nakaschedule kaming shooting team na magkita-kita ngayon.

Wala akong magagawa kundi sundin si Meg dahil baka lalo pang mapunit ang balikat ko. Ayoko namang mangyari ang bagay na 'yon dahil gusto ko ring gumaling agad at marami akong trabaho.

Ayan na nga tumunog na ang bell, senyales na tapos na ang huling subject. Habang nag-aayos ako ng gamit ay nagsalita si Sammie...

"R-riva..." ganoon parin at walang pinagbago ang utal-utal nitong pagsasalita.

"Hmm?" pagsagot ko

"M-may m-meeting kayo?" paano niya naman nalaman? Hindi naman pinopost sa bulletin board at sa website ng school kapag may meeting sa mga clubs.

"Oo, paano mo nalaman?"

"Ahhh-ehhh-May k-kaibigan kasi a-ako doon *hik*" ahh kaya pala. Inabot ko sa kaniya ang bottled water na hindi ko naman nainuman kanina.

"Ano na girl? Tara na!" pagyaya ni McNeal sa amin.

"P-para s-saan 'to?" nagtataka namang tinignan ni Sammie ang hawak hawak kong bote na inaabot sa kaniya. Ano bang problema ng mga tao at gusto nilang nangangalay ako palagi?

"Sinisinok ka, uminom ka ng tubig para mawala," sabi ko sa kaniya at kinuha naman niya iyon. Naunang lumabas si McNeal at sumunod naman kami ni Sammie.

"McNeal, hindi ako makakasabay sa inyo sa pagbaba," pagpaalam ko kay McNeal.

"Bakit girl may pupuntahan ka pa?"

"Mmm. May meeting sa club."

"Ohhh I see. Gusto mo ba ihatid ka namin?" nagulat naman ako sa sinabi nito. Ihatid? Bakit pa ako ihahatid? Ngayon lang ako niyayang ihatid sa kung saan dito sa school dahil nga wala naman akong kaibigan noon.

"H-ha?"

"Gusto ko rin kasi makita yung shooting range and balita koooo, ANDUN SHI VERNNN ERRRR" hay nako... Sabi ko na ng aba may balak 'tong masama. Akala ko naman ay gusto niya akong ihatid sa range nang buong puso bilang kaibigan. Siraulo.

"H-ahahah -hahaha" utal utal na tawa ni Sammie. Pati ba naman sa pagtawa ay putol putol parin.

"Girl nahihirapan ako sa'yo, stop laughing!"

Napailing na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Nagkwentuhan lang sila habang naglalakad kami papuntang range at ako naman ay nakikinig lang sa kanila.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon